FWTS 20

8.5K 101 25
                                    

FWTS 20

SABON

Maaga kaming lahat na nagising. Pag-gising ko ay agad kong inasikaso si Von. Bisita ko pa din siya kaya kailangan kong gawin iyon. Tiniis ko ang mapagmatyag na mata ni Tatay na palaging nakasunod sa aming dalawa.

Nang mahuli niya kasi kami kagabi ay nagalit siya. Kinurot niya ako ng pino sa tagiliran. Habang si Von naman ay napuyat daw sabi niya kaninang umaga.

"Hindi ako nakatulog ng ayos. Ginawa akong dantayan ni Sir Dan." Tukoy niya sa aking Tatay.

Nang mahuli kasi kami ay pinatungan na daw siya ng mabigat na hita ni Tatay sa kanyang bewang. Sobrang sigurista ni Tatay. Sinigurado niyang magigising siya kung sakaling bumangon pang muli si Von. Daig pa niya si Jaworski sa higpit magbantay.

"S-Sorry!" Nahihiyang hingi ko ng paumanhin.

Lihim akong nagdadasal na sana matapos na ang bakasyong ito. Dalawang araw at isang gabi na lang naman ay muli na kaming makakauwi. Gusto ko nang makabalik si Von sa kanyang marangyang buhay hindi tulad dito sa amin.

"Okay lang. Tandaan mo, titiisin ko ang lahat para sa iyo. Anyway, nageenjoy din naman ako. First time ko ang maranasan ang ganito kapayak na pamumuhay." Nakangiting sabi niya na walang halong yabang. Sabay halik sa noo ko.

Parang gusto kong maiyak sa sinabi niya. Masyadong nasapol ang puso ko sa kanyang binigkas. Hindi ko alam kung sinabi niya lang iyon dala ng sinasabi nilang mabulaklak na dila ng isang lalaki, o talagang iyon ang kanyang nararamdaman? Pero kahit ano pa man ang dahilan, I was very touched.

"Nahihiya ako sa iyo. Dahil sa akin, kailangan mong pagdaanan ang lahat ng ito." Malambing na sabi ko habang nakatitig sa kanyang gwapong mukha. Napalunok pa ako ng mapatingin ako sa kanyang mga labi. Hindi ko mawaglit sa isip ko iyong halik niya kagabi.

"Ano ka ba, Lianne? Don't stress yourself. Hindi mo naman ako pinilit na gawin ito. It was my choice. I just want to prove to your family that I am so worthy of you." Nakangiting sabi niya at hinaplos naman ang pisngi ko.

Sht! Parang kinakalkal ang sikmura ko ng mga paru-paro. Hindi na naman sila magkamayaw sa pagbibigay sa akin ng kakaibang sensasyon. Lalo na at kitang-kita ko ang matipuno niyang biceps na nagpe-flex ngayong haplos-haplos niya ang pisngi ko.

Pero agad ding nagiba ang pakiramdam ko ng may mapansin ako sa kanyang buong braso. "Ano iyan?" Nag-aalalang tanong ko. Para kasing dalmatian ang kanyang braso na tadtad ng patche-patcheng kulay pula.

Agad siyang lumayo sa akin at umayos ng upo. Pakiramdam ko ay itinago niya ang kanyang braso. "Wala ito." Balewalang sagot niya.

Parang may kumurot sa puso ko ng mapansin ko na pati pala iyong leeg niya ay puno din. Mukhang alam ko na kung ano ito.

"Pati leeg mo ay ang daming kagat ng lamok." Naaawang puna ko. Sa sobrang kinis ni Von at puti ay pansinin kapag may konting marka siya sa kanyang balat. Konsensyang-konsensya tuloy ako na nagkaroon siya ng ganito.

"Okay lang iyan, Baby! Kukunan ko nga iyan eh. Excited na akong ipakita kay Vanity na meroon akong ganito." Masayang sabi niya.

Hindi ako nakasagot. Napailing na lang ako. Nakakahanga talaga ang boyfriend ko. Imbes na magreklamo siya sa hirap ng nararanasan niya ngayon, tinitingnan pa rin niya ang lahat ng bagay in a very positive way. Kung sa iba siguro ito, baka nagwala na o iniwan na ako. Pero siya, handang magtiis.

Napawi ang kanyang ngiti. Biglang nagiba ang kanyang mukha. "Bakit Lianne? Hindi ka na nagsalita diyan. Ayaw mo na ba sa akin? Hindi na ba ako gwapo?" Alalang-alala na tanong niya.

Forever with the Star (AWWTS 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon