A/N:
30 VOTES & 25 COMMENTS = UPDATE!
_____________________________
FWTS 26
PAPEL
Tumikhim ang kanyang Papa dahil sa inip na hindi pa siya nasagot. Napatingin siya sa kanyang Mama na may nagbabantang titig.
"I-I'm sorry! I c-can't!" Hirap na hirap na sabi niya kasabay ng pagbitaw sa mga kamay ko. "I'm gay! Lalaki ang gusto ko." Malinaw ang kasinungalingang dagdag niya.
Nanglaki ang mga mata ng mga kamag-anak nila. Nalaglag ang panga ng pamilya ko. Ako naman ay lalong naiiyak at naiiling. Alam ko kasing kasinungalingan iyon! Gusto niya lang na hindi makasal sa akin. Para sa akin!
Pulang-pula ang mukha ng kayang Papa. Ang kanyang Mama ay marahas ang paghinga at halatang galit na galit. Walang anu-ano'y biglang sinuntok ni Don Juan sa mukha si James.
"James!" Tili ko at agad siyang dinaluhan. Subsob kasi siya sa sahig. Duguan ang kanyang labi at ilong. Boksingero ata si Don Juan sa dati niyang buhay.
Lumakas ang bulungan sa paligid. Ang lahat ay kinukutya si James. Nasasaktan ako para sa kanya. Hindi ko akalain na magkakaganito. Bakit ba kasi niya naisip na sabihin ang bagay na iyon? Kung totoong bakla pala siya, ganito ba talaga dapat ang insulto na abutin niya?
"Walang hiy@ kang bata ka! Bakla ka pala? Kaya pala ayaw mong pakasalan si LJ!" Sigaw ni Don Juan.
Inalalayan kong makatayo si James. Pero hindi pa siya nakakatayo ng ayos ay muli siyang bumagsak dahil sa suntok na naman ng kanyang ama. Hindi siya lumalaban kaya napupuruhan talaga siya.
"James." Awang-awa ako na ipinunas ko ang panyong hawak ko sa gilid ng labi niyang dumudugo. Malungkot na titig lang ang isinukli niya sa akin.
"Don Juan, mawalang galang na po. Huwag naman po ninyong saktan pa si James. Kawawa naman po ang anak ninyo." Nag-aalalang awat ni Tatay.
"Pabayaan mo ako, LJ. Iwan mo na ako." Bulong sa akin ni James habang hirap na hirap na hinahaplos niya ang pisngi ko.
Umiling ako at tumulo na ang luha ko. Nang dahil sa akin ay nangyari ito. Isa itong desperadong paraan niya para tulungan ako. Ano ba naman kasi ang naisip niya at ginawa niya iyon?
"Huwag nga kayong makialam dito!" Sigaw ni Don Juan sa amin ni Tatay.
Nakiawat na ang mga kamag-anak nila. Pilit nilang inilalayo si Don Juan matapos tadyakan si James. Grabe naman ang kanyang ama. Hindi na naawa sa nagiisa nilang anak. Balak ba niyang patayin si James? Mabuti na lang pala at alam kong hindi siya tunay na bakla. Kung nagkataon, baka matagal na siyang pinatay ng kanyang ama. Nakaawa!
Halatang galit ang kanyang angkan sa nalamang pagkatao niya kuno. Pero mas matindi nga lang ang kay Don Juan. "Mula ngayon, wala na kaming anak na bakla! Lumayas ka dito!" Sigaw pa ni Don Juan kay James.
Namumula na ang kanyang mga mata nang tumayo siya at hinarap ang kanyang ama. Inalalayan ko siya sa braso pero tinabig lang niya. Alam ko namang hindi siya mahina. Hindi naman siya totoong bakla. Ngunit kailangan niya ang tulong ko.
"Papa, kung iyan ang gusto ninyo, iyan ang masusunod." Nababasag ang boses na sabi niya.
Doon na umiyak ng todo si Donya Juana. "James, huwag kang aalis!" Sigaw niya nang tumalikod na si James.
"James, teka!" Sigaw ko para habulin siya pero hindi ko nasundan kasi pinigilan ako ni Nanay.
"Huwag ka munang makialam, Anak." Mahinahong sabi ni Nanay. Dahil mahigpit ang hawak niya sa aking braso kaya hindi ako makaalis. Hanggang sa tuluyan ng mawala si James sa paningin namin.
![](https://img.wattpad.com/cover/17625859-288-k57725.jpg)
BINABASA MO ANG
Forever with the Star (AWWTS 2)
RomanceIsang sikat na artista (Von Lee) na nainlove sa isang pangkaraniwang fan (Lianne Jaira Dimagiba). Kung titingnang mabuti para silang langit at lupa. Animo'y north at south. Magawa kaya nilang labanan ang lahat ng mga pagsubok na dadating sa kanila...