FWTS 70

4.4K 146 63
                                    

A/N:

Saka ko na po kayo pasasalamatan isa-isa. Medyo mahaba na po kasi ang chapter na ito. Pero salamat pa din sa walang sawang bumoto at nagkomentaryo. Iyong magpapadedicate, sabihin lang ninyo.

Please read THE STAR. 592K reads na iyan! Yes! Paki basa din po ang I LOVE YOU, JUSTINE CHOI! at TROY'S ACHILLES. Hanggang FWTS 75 nga po pala ito. Tama na iyon. Sobrang haba na. Saka ang dami ko nang naiisip na isulat sa story kong Troy's Achilles eh. Add nyo sa reading list ninyo ha?

60 COMMENTS + 65 VOTES = UPDATE!

______________________________________

FWTS 70

SURPRISE!

Tulad ng gusto ni Von, ibabalik ko na ang celphone na binigay sa akin ni Syd. Tiyempo namang break sila sandali kaya pwede ko siyang makausap. Nakita ko kasing si Belle na lang ang solo na naandoon sa booth sa loob at nagpapractice.

"Bakit ibabalik mo pa? Binili ko iyan for you." Sabi sa akin ni Syd nang pumasok kami ni Von muli sa Studio One.

Napatingin ako kay Von na nakaupo habang kausap si Pooch. Panay ang daldal sa kanya ng kaibigan niya, pero iyong tingin niya ay nakapako sa akin. Daig pa niya ang guard dog kung makapagbantay. Hehe!

Muli akong bumaling kay Syd. Nahuli ko siyang nakatingin din kay Von. Pero sinamaan lang siya ng tingin ng seloso kong nobyo.

"Sorry! Alam mo naman si Von." Napakagat labing paliwanag ko. Naaawa kasi ako sa lungkot na sumilay sa mga mata ni Syd, nang iabot ko ang celphone na kabibigay lang niya sa akin.

Laglag balikat na tiningnan niya ang hawak niyang kahon ng telepono. Bumuntong hininga siya at nag-angat na ng tingin muli sa akin.

"Yeah. I understand." Malungkot na sambit niya. "Pero regalo lang naman ito bilang magkaibigan. Wala naman akong masamang intensyon sa pagbibigay nito sa iyo. Sana hindi mo na lang ibinalik." Titig na titig sa aking mga mata na sabi niya.

Narinig ko ang malakas na pagtikhim ni Von ng hinaplos ko ang braso ni Syd. Napatingin tuloy kaming muli sa kanya. Pinanglakihan ko siya ng mata kaya umiwas siya ng tingin. Ito lang ang kaya kong gawin para kay Syd. Nakokonsensiya kasi ako sa lungkot na ipinapakita niya. Marahil ay masakit nga sa kalooban na ibalik sa iyo ang regalong ibinigay mo.

"Syd, huwag mo sanang isipin na ginagawa ko ito dahil sa utos lang ni Von. Ang talagang dahilan ko, ay hindi ko naman kayang tumanggap ng ganito kamahal na regalo mula sa iyo. Hindi mo naman ako kapamilya o girlfriend. Mas matatanggap ko pa iyong mumurahing regalo." Paliwanag ko sa kanya.

Tipid na ngumiti siya sa akin. "It's okay."

Ngumiti naman ako ng matamis sa kanya. "Hey!" Sabay tapik ko pa sa braso niya.

Pinipilit ko talagang pagaanin ang kalooban niya. Naging mabuti naman siyang kaibigan sa akin. At hindi dahil sa ayos na kami ni Von ay isasantabi ko na lang ang mga kaibigan ko.

"Bigyan mo na lang ako ng ibang regalo. Huwag lang itong ganito kamahal. Iyong matutumbasan ng pakikipagkaibigan ko sa iyo." Dagdag ko pa sa masayang tono.

"Okay." Medyo umaliwalas na ang mukha niya. "Roses or any flowers,? Okay naman na siguro iyon?" Tanong pa niya.

Natawa ako. "Flowers? Baka magaway lang kayo ulit ni Sungit."

Natawa na din siya. "Akala ko ba kahit ano basta huwag lang masyadong mamahalin?"

Makulit din ang isang ito. Pero ayos na ako na mukhang okay na siya. Hindi tulad kanina na mukha siyang talunan.

Forever with the Star (AWWTS 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon