FWTS 4

10.4K 150 32
                                    

FWTS 4

FOOD CHAIN 

Inihatid ako kanina ni Von dito sa food chain na pinagtatrabahuhan ko. Hindi ko na siya hinayaang bumaba dahil natatakot akong pagkaguluhan pa siya. Kasama namin sina Ate Kat, Kuya Kit at Kuya Tim kanina. Didiretso kasi sila sa taping ni Von ng isang commercial ng beer.

4pm-12mn ang schedule ko. Pumasok ako para makabale dahil pasukan na sa isang linggo. Kailangan ko ng pambili ng mga gamit ko at pangbaon sa school. Bukas nga ay mageenroll na kami ni Jerico at Cathy.

Dahil walang pasok kaya tingin ko iyon ang dahilan ng pagtambay ng mga teenagers dito sa tinatrabahuhan ko. Pagod na pagod ako dahil halos pitong oras na akong nakatayo dito sa counter. Ako kasi ang cashier/order taker ngayong gabi.

"Susunduin ka ba?" Bulong sa akin ng katabi kong kahera na si Cathy. Dito na rin kasi siya nagtatrabaho sa branch na ito.

Napangiti ako nang maalala ko si Von. Naisip ko na naman kasi ang pag-iinarte niya kaninang umaga. Nagiinarte din pala ang mga lalaki?

"Oo. Sabi niya eh. Sasabay ka ba?" Tanong ko kay Bez nang hindi nalingon. Abala kasi ako sa paglalagay sa tray ng mga inorder ng babae sa harap ko.

Humagikhik si Cathy. "Oo. Sasabay ako.  Ang swerte ko kasi kaibigan ko na si Idol. Hindi ko talaga akalain na magiging kayo." Parang kinikiliti na sabi niya habang nagpupunch ng presyo ng mga orders.

"May boyfriend ka na, LJ?" Tanong ni Athena. Hindi namin namalayan na narinig niya pala.

Pinandilatan ko si Cathy. Ang ingay-ingay kasi! Hindi na lang ako sumagot at iniabot na lang ang order ng customer. Buti na lang at busy din ang isang iyon sa ginagawa niya. Hindi na muling nagtanong pa si Athena.

"Sorry, LJ!" Bulong sa akin ni Cathy maya-maya.

Ngumuso ako. "Huwag ka kasi masyadong maingay." Balik bulong ko sa kanya habang kumukuha kami ng fries para ilagay sa tray ng kanya-kanya naming customers.

"Oo na!" Nakangising sagot niya. Naghiwalay na kami at muling hinarap ang pila sa unahan namin.

DINNER BREAK:

Naandito kami sa staff room. Kakain kaming tatlo nina Cathy, Athena at ako. Sa katabi naming lamesa ay magkasabay naman sina Jun at Gelo. Mamaya naman sina Juliet, Vera, Dane, Wane at Kim. Hindi kami pwedeng sabay-sabay dahil walang matitira sa counter, magseserve at sa kitchen.

"Jun, Gelo, sabay na kayo para masaya." Yaya ni Athena sa kanila.

Nakangiti namang lumipat iyong dalawa sa lamesa namin. Umupo sa tabi ko si Gelo at sa tabi ni Athena ay si Jun.

"Ang dami kong ulam Gusto ninyo?" Alok naman ni Gelo sa amin. Medyo tahimik itong si Gelo. Pero mabait naman siya at babatiin ka naman kung uunahan mo.

"Penge ako niyan." Kuha ni Cathy. Kahit talaga kailan ang takaw ng isang ito!

Inabot naman ni Gelo iyong kalderetang baka na ulam niya. Tama naman siya. Ang dami talaga ng baon niya.

"Wow! Ang sarap. Try mo, Bez." Alok sa akin ni Cathy. Loka talaga! Akala mo naman ay kanya ang pagkain para ipag-alukan.

"Kuha na, LJ. Hindi ka mabubusog diyan sa pritong galunggong mo. Masarap ito." Alok naman ni Gelo.

Ok fine! Kanina pa din ako natatakam. Nahihiya lang ako kaya hindi ako makakuha. Eh kung ganitong ipinagpipilitan sa akin, may magagawa pa ba ang lola ninyo? Marupok lang ako...sa pagkain ha?!

Forever with the Star (AWWTS 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon