FWTS 22

7.2K 89 23
                                    

FWTS 22

TANAN?

"Na si Lianne Jaira at anak naming si James ay magpapakasal pagkatapos nilang magaral." Sagot ni Don Juan habang salubong na salubong ang kilay.

"ANO PO?!?" Hindi makapaniwalang tanong ni Von.

"Na magpapakasal daw ako at si James pagkatapos naming mag-aral." Mahinang ulit ko na hindi na makatingin ng diretso sa mga mata ni Von.

"Ano??" Ulit niya sa mahina ng boses. Marahas na nagbuga siya ng hangin.

Ano ba naman itong si Von? Ilang ulit na ay hindi pa rin marinig? Bingi na ba siya? Kailangan paulit-ulit?

Huminga ako ng malalim at muli ay, "Na magpapakasal daw ako at si James pagkatapos naming mag-aral." Nakatungong ulit ko na naman. "Ayan medyo nilakasan ko na ha." Sabi ko pa.

"Dmn!" Napamura siya kaya nagtaas akong muli ng tingin. "Ganyan ka ba talaga kasadista? Bakit kailangan mong ulit-ulitin?" Tanong pa niya na napapakagat labi.

"E-Eh kasi hindi mo marinig. Ano ka ng ano." Malumanay na paliwanag ko.

Parang naiirita niyang ginulo ang kanyang buhok. "Sht!" Mura pa niya.

Noon na biglang dumagundong ang boses ni Tatay. "Hoy, Bata! Huwag mong mamura-mura ang anak ko!" Singhal niya kay Von. Nagbulungan tuloy ang mga usisero.

Naipikit ni Von ang kanyang mga mata at sumagot. "Hindi ko po siya minumura. Wala akong particular na minumura, Sir." Pigil ang inis na paliwanag niya.

"Minura mo siya!" Pilit ni Tatay.

"Po?" Ani Von.

"Minur..." Hindi ko na natapos ang sasabihin ko. Kasi bigla niyang itinaas ang kamay niya na parang inaawat ako.

"Lianne, please not now. Huwag kang makulit." Pilit niyang pakiusap sa akin na mahinahon ang boses.

Napaawang ang mga labi ko. Hindi naman ako nangungulit ah? Ano naman kayang ikinakulit ko doon? Siya nga itong hindi makadinig ng ayos eh. O talaga lang na sobrang slow ni Von?

Ngumisi si Donya Juana at tinapik ang balikat ni Von. "Humanap ka ng iba dahil hindi ka na pwede kay LJ!" May diing sabi niya pa kay Von.

Halos madurog ang puso ko ng makita kong napasara ang mga kamao ni Von. Pulang-pula at namamasa ang kanyang mga mata. Taas-baba ang kanyang balikat. Umatras siya ng konti para makadistansiya sa Donya. Iling lang siya ng iling.

Pumikit siyang muli ng mariin at huminga ng malalim. Pinakakalma ata ang sarili niya. "May fiancee ka?!?" Tiimbagang na tanong niya sa akin.

Sht! Hindi ako makasagot! Hindi ko alam ang sasabihin ko! Wala naman akong fiancee ah? Paanong nangyari iyon?

Bumuntong hininga si James. "Hindi naman tamang ituloy pa natin iyon, Mama." Sabi niya. "May ibang mahal si LJ. " Dagdag pa niya.

Halos gusto ko ng tumakbo palayo ng marinig ko ang sagot ng kanyang ina na, "It's final!"

Dmn! What the...

Tumitig sa akin si Von. Nakita kong may makinang na likido na nahulog sa kanyang pisngi. Lalapitan ko na sana siya ng bigla siyang tumakbo palayo. Nakita kong sumala pa ang paa niya sa pilapil at nahulog sa gilid.

"Von!" Sigaw ko na hindi na makasunod sa kanya. Hinatak ni Tatay ang braso ko pabalik.

"Tay, baka maligaw iyon!" Maktol ko.

Umiling si Tatay. "Pabayaan mo siya, LJ. Hindi niya alam ang lugar na ito tapos tatakbo-takbo siya."

Nangilid na ang luha ko. Mahal na mahal ko si Von. Kailangan naming magusap. Pero sadyang mahigpit ang hawak ni Tatay sa akin.

Forever with the Star (AWWTS 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon