FWTS 28

7.4K 95 30
                                    

FWTS 28

INGAT KA

"Ih.. James... Ano... Hindi ako makahinga." Ilang na ilang na sabi ko.

Para namang natauhan bigla si James at agad tumayo. Tinulungan din niya akong bumangon sa pagkakalugmok ko. Ang bigat niya talaga grabe! Ang laki ba namang tao eh.

Pero bigla kong naalala kung paano niya ako pinagalala. Kung bakit kay Rina ay humingi siya ng tulong at sa akin hindi. Kung bakit niya ginawa iyon na ipahiya ang sarili niya. Kaya pinaghahampas ko siya sa dibdib.

"Siraulo ka talaga! Bwisit ka! I hate you!" Inis na inis na sabi ko habang patuloy ang pagpalo sa kanya.

Natatawa lang siya na iniilagan ang mga suntok ko sa katawan niya. "Whoa! Teka lang!" Natatawang ilag pa rin niya na mas lalong nakapagpakulo ng dugo ko.

Patuloy ko siyang pinagpapalo. "Pinagalala mo akong bwisit ka! Peste ka! Tapos tatawa-tawa ka pa?!" Inis na inis na asik ko.

Masyado na ata akong nadala ng emosyon ko kaya hindi ko napansin na naging seryoso na ang mukha niya. Hinawakan niya ako sa magkabila kong pulsuhan para hindi ko na siya mabugbog.

"Bakit ka nagalala, LJ?" Seryosong tanong niya sa akin.

Ngayon ko lang napansin na may pasa pala siya sa pisngi. Bakas na bakas pa din ang natuyong sugat niya sa may labi ng pumutok sa suntok ng kanyang ama. Iyong ilalim ng kanyang mga mata ay nangingitim. Halatang kulang na kulang sa tulog.

"Are you done staring at me?" Nakangising tanong niya.

Napaiwas tuloy ako ng tingin. Ibinaba ko sa kanyang leeg ang aking paningin. Ngayon ko lang napansin na bacon na iyong kwelyo ng suot niya. Lumang-luma! Kanino niya kaya hiniram?

"Bakit ka nagalala, LJ?" Seryosong tanong niya muli. Itinaas niya ang baba ko para muling pagtagpuin ang aming mga titig.

Naumid ang dila ko. Basta ko na lang siya kinabig at napaiyak na ako. Niyakap ko siya ng buong higpit. Awang-awa ako sa kaibigan ko. Alam kong this is his most serious fight with his father. Hindi pa sila nagaway ng ganito na itinakwil siya ng kanyang Papa. At ang lahat ng ito ay dahil sa akin.

Naramdaman kong pinapakalma niya ako sa likod habang niyayakap din niya ako pabalik. Hindi ko siya binitawan. Dito ko na lang ibubuhos ang pagaalala ko sa kanya.

"Dmn! Woman!" Mura niya. "Bakit ba iyak ka ng iyak? Buhay pa ako. Tumahan ka na." Mas mahinahong tanong na niya ngayon.

Lumayo ako sa kanya at tinitigan ko siya sa mata. "Saan ka ba kasi pumunta?" Tanong ko sa kanya.

Ngumiti siya sa akin. Isang ngiti na alam mong hindi talaga ganoon kasaya. Halatang pilit lang niyang kinakaya. Tiyak akong nahihirapan siya. Mula pagkabata ay busog siya sa rangya. First time niya itong mahirapan ng ganito.

Noong mga bata nga kami ay para siyang Greek God na bumababa sa pedestal niya para makapantay lang namin ni Jerico. Gustong-gusto niya kasi kaming kasama. Nakikigaya siya sa mga paghihirap namin. Pero at the end of the day, aakyat at aakyat ulit siya sa kanyang trono. Kaya hindi ganoon kahirap.

Forever with the Star (AWWTS 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon