FWTS 59

5.5K 143 61
                                    

A/N:

Sorry po! Galing si Author ninyo sa date kaya di nakapagupdate agad. But ready na ito nung isang araw pa. So here it is....

________________________________________

FWTS 59

ALAM NA

Pagdating namin ng airport ay sinabihan ako ni Von na umidlip muna dahil isang oras pa kaming magaantay dito. Mangungulit pa sana ako nang walang sabi-sabi ay bumaba na siya agad ng Starex. Kanina kasi ay pinagtalunan nila ni James ang sasakyang gagamitin. Masyado nga naman kasing takaw atensyon ang limousine. At kung tulad namin na hindi nais na pagkaguluhan, dapat ay iyong simple lamang. Kaya naman, ito ang kinuha ni Von sa car rentals at pinaltan iyong limousine.

Si Belle naman ay nagpaalam na magrerestroom lang daw at bantayan ko ang bag niya dito sa tabi ko. Habang si James naman ay bumaba din dahil may tumawag sa celfone niya. Kaya tanging ako at ang driver lang ang natira dito sa loob ng sasakyan.

Lumipas ang ilang minuto ay medyo naiinip na ako. Wala pa kasing isa man sa kanila ang nakakabalik. Sa sobrang lamig ng aircon ng Starex ay parang hinihila na nang antok ang mga mata ko.

"Lianne. Lianne."

Napabalikwas ako mula sa pagkakahilig sa upuan ng sasakyan. Ganoon na lang ang gulat ko nang tinapik ni Von ang pisngi ko. Hindi ko kasi namalayan na nakatulog na pala ako dito sa loob ng sasakyan na nasa parking lot ng airport.

"Tapos na ba ang pagaantay natin?" Tanong ko habang kinukusot-kusot ang mata ko.

Ngumisi lang siya at lumayo sa pintuan ng kotse. Pero laking gulat ko nang biglang lumitaw ang tumitiling si Cathy sa pintuan na pinagdungawan ni Von ngayon-ngayon lang.

"LJ!!!"

Kasabay ng pagpasok niya sa kotse para yakapin ako ay ang pagbukas ng pintuan sa kabilang panig ko. Tulala na lang ako nang sumakay na rin si Jerico sa loob ng Starex.

"Ate." Simpleng bati ng kapatid ko at niyakap ako.

Doon na ako natauhan. Ito ata ang sinasabi ni Von na 'secret' kanina.

"Kayo ba ang pinagpasahan nina Von at Belle ng ticket sa eroplano?" Tanong ko sa dalawa kahit na alam ko na rin naman ang sagot.

"Yes!" Masiglang sagot ni Cathy.

I am speechless! Makakasama ko din silang dalawa dito sa Ilocos? Tiyak na magiging masaya ito. Matagal ko na kasing hindi nakakabonding si Cathy at ang kapatid ko.

"Mabuti na nga lang at sinabihan kami ni Ate Vanity kaninang madaling araw na maghanda daw kami dahil susunod kami dito. Kagabi pa daw kasi pinoproblema ni Kuya Von ang pagiging una ng flight ninyo. Kaya daw nagdesisyon ang Papa nila na sopresang ipagagamit ang chopper nila kay Kuya." Paliwanag ng kapatid ko.

Si Vanity? Matagal na nga pala kaming hindi nagkikita. Ang huling paghaharap namin ay noong sinupladahan niya kami ni Janelle. Nakakatuwang isipin na suportado ng pamilya ni Von ang pakikipagrelasyon niya sa akin.

"Eh paano si Angela?" Tanong ko sa kanya tungkol sa kapatid naming babae.

"Vanity will take care of her. Sa mansion muna siya at hatid-sundo rin ng driver namin sa school niya." Singit ng nakadungaw na si Von.

Forever with the Star (AWWTS 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon