FWTS 7
FIRST L.Q.
Napangiwi at napaatras ako. Nabitawan ako ni Prince. May itsura pa naman siya para maging isang dudert. Sayang naman siya! O baka naman naguguluhan lang siya? Bayaan ko na nga! Pakialam ko ba sa kanya.
"Pwedeng mahingi ang number mo?" Untag sa akin noong isang guy na mukhang bumbay.
Umiling ako. "Wala akong celfone." Amin ko.
"Pwede bang ihatid kita pagkatapos ng enrollment?" Tanong naman ng isa na namumukhaan ko. Varsity siya ng swimming team namin.
Ihahatid ako? Bakit?
"Liligawan mo si LJ?" Kunot ang noong tanong ni Bestfriend Cathy.
"Oo sana eh." Sagot pa din noong varsity habang kakamot-kamot sa ulo.
Ako liligawan? Pwede ba iyon? May boyfriend na ako. Star ang boyfriend ko! Bakit naman ako magpapaligaw pa sa iba?
"Naku. Hindi ako makikipag-usap sa inyo. Magagalit ang nobyo ko." Nagpapanic na sabi ko. Natatakot akong makita ni Von ito!
Tinulak ako ni Cathy papuntang window. Wala kasi sa pila ang boys dahil nakipagkilala nga sila sa akin.
"Ako na lang ang kaibiganin ninyo. Available ako." Sabi pa ni Bez habang palihim na inaabot sa akin ang registration form na nasagutan na niya at pera pangbayad niya.
Umiling iyong iba. "Si LJ ang gusto namin!" Tutol noong isa habang mabilis kong sinasagutan ang registration form ko.
"Hala! Eh hindi nga pwede. Mahal nitong kaibigan ko si Von. Hindi ba, Bez?" Sulyap pa ni Cathy sa akin.
Napakagat labi ako. "Oo eh." Maikling sagot ko ng sumulyap ako sandali sa kanila sa likod ko. Ipinagpatuloy kong muli ang pagsasagot ng reg. form ko.
"Eh di makikipagkaibigan lang naman." Pagpipilit ni Prince sa akin.
Makikipagkaibigan? Pero bakit? Para magpaturo kung paano ako magalaga ng buhok dahil sa sobrang haba, madami akong naaattract na lalaki ngayon?
Saka sabi pa niya nakita niya ako sa internet. He find me interesting. Bakit? Dahil napaibig ko si Von? Gusto niya bang kilalanin ako para gayahin? Para mapansin din siya ni Von? Iww!
Iniabot ko na ang forms at bayad namin ni Cathy sa cashier. Inaantay ko na lang ang sukli.
"Sige. Itatanong ko muna kay Von kung pwede akong makipagkaibigan sa iyo." Nakangiting sagot ko. Isang resibo na lang, tapos na kami.
"Bakit naman kailangan pang magpaalam?" Nakangiting tanong noong isa. May itsura sana. Ang kaso kasing laki ko lang. Pandak para sa lalaki.
"Dahil mahal niya ako!"
Nanglaki ang mata ko pagkatapos kong abutin ang resibo at forms namin. Tapos na kami. Kinabahan tuloy agad ako dahil tapos din ako kay Von nito.
Parang mga sisiw na binugaw ang mga lalaki. Habang iyong mga fans ni Von ay nakatingin pa din sa amin at nakasunod sa kanya.
"Tapos na kami, Von. Uwi na tayo." Si Cathy ang nagsalita dahil kabadong-kabado ako. Alam ko naman na may pagkaseloso kasi si Von.
Nagflash ang mga camera ng bigla akong hatakin ni Von palayo doon. Nakasunod pa rin sa amin si Cathy at ang mga fans niya. Nanglalamig ang kamay ko dahil natatakot ako sa iniisip ni Von ngayon.
"Von, galit ka?" Naitanong ko habang naglalakad kami ng mabilis papuntang parking lot.
Tapos na kaya si Jerico? Paano na ito? Tiyak na uuwi na kami nito. Paano ang kapatid ko? Baka maghintay iyon sa amin.
BINABASA MO ANG
Forever with the Star (AWWTS 2)
RomanceIsang sikat na artista (Von Lee) na nainlove sa isang pangkaraniwang fan (Lianne Jaira Dimagiba). Kung titingnang mabuti para silang langit at lupa. Animo'y north at south. Magawa kaya nilang labanan ang lahat ng mga pagsubok na dadating sa kanila...