FWTS 63

4.6K 128 62
                                    

A/N:

WARNING: SPG CHAPTER.

60 COMMENTS & 65 VOTES = UPDATE! This is a double private chapter. Iyong FWTS 64 po ay naka- private din. Lahat naman po nang makakabasa, kung PWEDE lang po magsipag-boto at komento po kayo agad. Para po mabilis. May teaser nga po pala ang FWTS 64 sa FACEBOOK PAGE na ANGELMELAY WATTPAD. Like the page please? Iyong mismong page na AngelMelay.

Enjoy!

______________________________

FWTS 63

PUSH THE BUTTON

Naiiling na lang ako sa suot ko nang lumabas ako ng banyo. Sa pool lang naman ako magsuswim, pero nakakatawang ang suot ko ay parang magsusurfing o magscuba diving. Pero wala akong magagawa. Ito ang gusto ni Boss. At kung gusto ko nang isang matiwasay na relasyon, kailangang magpasakop ako.

Literal na nalaglag ang panga ko nang malabasan ko si Von na naka topless at nagsusuklay sa harap nang salamin. Sht! Kitang-kita ko kung paano lumabas ang well-toned niyang muscles sa likod. Ang mas nakakaengganyo pang tingnan sa kanya ay iyong lapad noon na korteng perfect V.

"You done?" Tumigil siya sa pagsusuklay at tiningnan ang repleksyon ko sa gilid ng salamin sa harap niya.

Omo! Omo! Nahuli kaya niya ako na tinititigan ang likod niya?

"O-Oo!" Nabubulol na sagot ko at umiwas nang tingin.

Dumiretso ako sa kama at umupo. Kailangan ko ito. Pakiramdam ko kasi ay bibigay ang tuhod ko sa kaba. Nakakahiya kasi dahil tingin ko, nakita niya akong muntik nang tumulo ang laway sa yumminess niya! Huhu!

"Hindi ka ba muna magsusuklay?" Tanong niya nang hindi ko siya tinitingnan man lamang.

Nilaro at pinisil-pisil ko ang mga daliri ko. Kinakabahan kasi ako! Sheez!

"Mamaya na.... siguro.. eh.. pagkatapos mo.." Putol-putol na sabi ko. Kasi naman iyong lalamunan ko. Parang natutuyo na hindi ko maintindihan.

Lalo akong nagpakatungo-tungo nang maramdamdaman kong papalapit ang yabag niya sa akin. Whew! Dati naman, hindi ganito kahirap na nasa isang kwarto kasama si Von ah? Ganito ba talaga kapag mas malalim na ang pagmamahal mo? Pakiramdam mo ay ililipad ka na ng mga paru-paro sa sikmura mo?

"Lianne, Baby.." Malalim ang boses na tawag niya. Nakita kong nasa harap ko na ang mapuputi niyang mga paa.

Inipon ko ang lahat ng aking lakas para iangat ang paningin ko. Mula sa paa, paakyat sa binti, at napalunok ako nang bumalandra sa akin ang abs niyang malapandesal. Napabuga pa ako nang hangin bago tumingin pataas sa dibdib niya. Sht! Relax lang ang dibdib niya, pero naka form ito nang maayos. Napalunok ako at muling nagpatuloy hanggang sa tumama na ang aking mga mata sa kanyang mukha.

"Yummy ba?" Paos na tanong niya. May naglalarong ngiti sa mga labi.

Oh mommy! Bakit ba ang init? Kahit nakatodo ang aircon ay may namumuong butil nang pawis sa noo ko.

"You're shaking." Puna niya pa sa akin.

Huminga ako nang malalim. Kailangan kong kumalma. Nakakahiya kay Von.

"M-Malamig kasi ang aircon." Mabuti at may lumabas sa aking boses kahit paano.

Ngumisi siya at tumango. "Yummy na ba ako, Lianne?" Tanong na naman niya.

"Oo." Wala sa sariling naisagot ko.

Naningkit ang kanyang mga mata dahil sa matinding pagngiti. Mukhang nagustuhan niya ang isinagot ko. Anong magagawa ko? Yummy naman talaga. Alangan naman magsinungaling ako?

Forever with the Star (AWWTS 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon