FWTS 34

6.8K 99 35
                                    

A/N:

Para kay @Athena_9 ang chapter na ito.. Sa totoo lang, nawawalan ako ng ganang magsulat. Hindi ako naiinspire. Feeling ko, sobrang TH ko nang maging author. Wala akong makuhang feedbacks ang votes sa readers ko.

Guys, please add naman po TROY'S ACHILLES to your reading list. Maganda iyan, promise! Anyways, 35 VOTES & 30 COMMENTS = UPDATE!

May nagtatanong sa akin, bakit daw kapag babaeng Doctor eh Dr. pa din nilalagay ko, hindi Dra? Well, wala naman pong salitang Dra. sa Merriam eh.. Hehe! Saka bakit daw kahit may asawa eh Miss pa din ang nilalagay ko? Kasi po may nabasa ako dati na Miss ay general term kung may asawa ka o wala. Parang ganoon. Di ko na matandaan. Hehe!

May nagcomment din po last chapter na bitin daw? Mga kumare, five pages ang last chapter, bitin pa po ba iyon? Hihi!

Enjoy!

_______________________________

FWTS 34

HIHIMATAYIN

Hanggang natapos ang medical mission ay balisa ako. Pinaghalong excitement at nerbyos ang nararamdaman ko. Hindi lang si Janelle ang makakatulong sa akin ngayon. Pati si Doc Kent ay matutulungan din ako.

"Sinong gustong manoond ng concert ng COLOURS sa inyo?" Tanong ni Doc Kent sa aming lahat ng matapos ang gawain nila ngayong araw na ito.

Napatingin sa akin si Janelle. "Kaya ka pala hindi makausap ng matino kanina, ha?" Nakangiting bulong sa akin ni Janelle. Nagkibit balikat lang ako bilang sagot.

"May ticket ka, Doc Kent?" Tanong ni Dr. Sheila.

"No need. Kilala namin ni Kuya Greg ng personal si Von Lee. Siya mismo ang tumawag sa akin." Pagyayabang ni Don Kent habang namumulsa. Sheez! Ang gwapo ng dating niya! Grabe!

"Wow! Talaga? Paano?" Singit naman ni Doc Jane.

Sinigurado ko na maririnig ko ng maayos ang sagot ni Doc Kent. Pati kasi ako ay interesado talaga kung paano sila nagkakilala ni Von. Habang si Janelle naman ay kasama si Miss Apple sa restroom at nagbibihis.

Pero sa kamalas-malasan ay nanahimik lang si Doc Kent. Kainis naman eh. Pabitin naman si Doc Kent! Huhu!

"Doc, paano mo siya nakilala? Hindi ko na napigilang hindi mangulit.

Interesado talaga ako malaman ang sagot niya. Gusto ko kasing malaman kung gaano kalalim ang extent ng closeness nila ni Von. Baka sakaling blood related sila eh magpapatulong talaga akong makausap si Von.

"Inaway lang naman ni Kent si Von dati. Mga 18 o 19 palang ata noon si Von." Paliwanag ni Sir Greg.

"Talaga?" Hindi lang ata ako ang nagulat. Halos lahat kami ay hindi inaasahan ang narinig namin. "Paano iyon nangyari?" Dagdag ko pa.

Nagkatinginan ang kambal. Hindi makasagot si Sir Greg. Parang inaantay niya na si Doc Kent ang magpaliwanag.

"Dahil sa isang babae na kaibigan namin ni Kuya Greg. She was so close to both of us simula noong nasa U.S.A pa kami. Isang araw na nag-bar kami dito sa Pilipinas ng mga taga hospital eh napikon ako ng bigla niyang yakapin iyong kaibigan namin ni Kuyang babae. Medyo badtrip ako noon dahil..." Paliwanag ni Doc Kent na medyo bitin.

Forever with the Star (AWWTS 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon