FWTS 48
EFFORT
Naliligalig ang sistema ko. Hindi ko alam kung bakit niya ako hinalikan. May nobya siya. For pete's sake! Sht lang! Pinaglalaruan ba niya talaga ako? Bakit niya ginagawa ito sa akin? May girlfriend siyang tao tapos manghahalik na lang siya basta-basta ng isang dating nobya? Ex-girlfriend na niya ako, hindi ba?
Pero sadyang ayaw makisama ng katawan ko. Dapat ay umiiwas na ako. Ngunit bakit hindi ko magawa? Ang masama pa, sinasagot ko ang mga halik niya.
Ang landi mo, LJ!
Bakit nga ba naging mali ang isang bagay, kung ang pakiramdam mo ay tama?
Ngayong mga oras na ito ay hindi ko makayanang tumanggi. Para bang my lips are made for Von. Para bang ang labi niya ang matagal nang inaantay ng mga labi ko bilang kapareha. Our lips feels so perfect brushing each other.
Nang biglang may kumatok sa pintuan ng coaster. "Von, may tao." Sabi ko pa habang pilit na inilalayo na iyong mukha ko sa kanya.
"Tss.." Alam ko kung gaano siya kafrustrated na may pumutol sa matamis naming halikan. Ganoon din naman ang aking nararamdaman. "Hayaan mo lang." Anya pa niya at muling pinuntirya ang mga labi ko.
Pero sadyang makulit ang kumakatok. "Von, baka si Belle iyon!"
Nang marinig niya ang pangalan ni Belle ay dahan-dahan niyang binitawan ang bewang ko. Hinalikan pa niya ako ng isang mabilis sa labi bago siya tumayo. Nagkatitigan muna kami bago niya tuluyang nilapitan ang pinto.
Addict din ako sa kiss niya eh, no? Talagang hindi ko na nakuhang umiwas?!
"LJ, hinahanap ka doon." Bungad ni Syd ng pagbuksan siya ni Von ng pinto. Tumingin siya kay Von at tumingin sa akin. "Anong ginagawa ninyong dalawa dito sa coaster? Bakit ang tagal ninyong magbukas?" May duda kang mababasa sa kanyang mga mata.
I don't know how to react. Parang nauumid ang dila ko. Hanggang ngayon kasi ay ang bilis pa din ng tibok ng puso ko. Para akong inaatake ng palpitations sa sobrang nerbyos. Hindi ko matandaan kung bakit kami napapunta sa ganoong sitwasyon. We kissed! Sht!
"Natapilok si Lianne. I saw her and brought her here." Si Von ang sumagot para sa akin. Hindi na siya nagabalang sagutin ang ibang tanong ni Syd..
"Oh?" Tanging nasabi ni Syd na halatang hindi makapaniwala sa sagot ni Von. Kitang-kita ang pagdududa sa kanyang mga mata.
Umupo si Von sa upuan sa harap ko. "Then see for yourself to believe. Tss.." Supladong sabi pa niya.
Hindi man lang in-acknowledge ni Syd ang ginawa niyang pagsagot. I get it! Nagkainitan nga pala sila last night dahil sa akin. Sinuntok nga pala siya ni Syd. Bakit ba parang lagi akong nagiging source ng conflicts? Ano bang masama sa akin at lagi akong pinagmumulan ng mga away?
Nagaalalang lumapit sa akin si Syd. Agad niyang ininspiksyon ang ankle ko. Nakakailang dahil baka madumi na ang talampakan ko. Pero hindi niya ininda iyon. Naku! Nakakahiya ang paa ko. Hindi ko man lamang napa-pedicure! Huhu!
Hindi ko maipaliwanag ang itsura ni Von habang nakatingin sa ginagawa ni Syd. Kulang na lang ay magbuga siya ng apoy sa butas ng kanyang ilong. Marahas ang kanyang paghinga at matiim ang titig sa amin ni Syd. Labis-labis tuloy na naliligalig ang sistema ko. Para kasing galit na galit siya dahil pinasok kami ng intruder. At ang intruder na iyon ay si Syd.
"Dapat dito inilalagay ang yelo at hindi tinutunaw." Parang may laman ang sinabi ni Syd. Inabot niya ang yelo mula sa tagiliran ng upuan ko. Hindi ko napansin na halos matunaw na iyon. Kasi naman, inilalagay lang ito ni Von sa akin kanina bago pa niya ako.....
BINABASA MO ANG
Forever with the Star (AWWTS 2)
RomanceIsang sikat na artista (Von Lee) na nainlove sa isang pangkaraniwang fan (Lianne Jaira Dimagiba). Kung titingnang mabuti para silang langit at lupa. Animo'y north at south. Magawa kaya nilang labanan ang lahat ng mga pagsubok na dadating sa kanila...