FWTS 14
LIFETIME
"Kinikilig ako, Baby!" Anya niya na unti-unting lumalapit sa mukha ko.
Anak ng! Alam ko na susunod dito! Dahil sa hiya kay Cathy ay agad akong lumabas ng bahay at nagtatakbo palabas.
"Lianne, watch out!" Sigaw ni Von mula sa likod ko.
Muntik na akong mabangga sa lalaking may bitbit na dalawang sako ng bigas sa balikat. Papunta ata siya sa kabilang apartment. Mabuti na lang at nakuha ako payakap ni James.
"Lianne!" Sigaw din ni Bez na nasa tabi ni Von sa labas ng pinto.
"Bakit ka ba kasi tumatakbo?" Nagaalalang tanong ni James.
Natulala ako dahil sobrang lapit niya sa akin. Isang konting galaw ay mapapahalik ako sa labi niya. Bumilis tuloy ang tibok ng puso ko.
Tumikhim ng ubod ng lakas si Von.
"J-James." Nabubulol na sabi ko. Ang bilis kasi ng tibok ng puso ko. Parang nagiinit ang mukha ko kaya naitulak ko siya ng sobrang lakas palayo sa akin. Sobrang lakas na ako naman ang naoutbalance dahil sa ginawa ko.
Mabuti na lamang at nahawakan ako ni Von sa siko. Kitang-kita ko ang pamumula ng kanyang mukha at alam kong dahil iyon sa matinding galit. Pero pinipigilan niya.
"Thank you for saving Lianne." Malamig na sabi niya kay James.
Nakita ko ang pagtaas-baba ng adam's apple ni Von. Halatang napapalunok para pakalmahin ang sarili niya.
"Walang anuman." Malamig na sagot naman ni James.
"Nahuli ako kaya salamat at alisto ka." Anya pa ni Von.
"No worries." si James.
Bakit kaya ganoon? Wala namang away na nangyayari sa kanila, pero damang-dama ko ang tensyon. Para bang may silent war sa pagitan nila ngayon.
"Baka gabihin tayo, mga Kuya. Tara na!" Untag ni Jerico sa kanila. Alam kong nararamdaman ng kapatid ko ang matinding tensyon.
"Halina kayo." Yaya ko. Hinila ko na sa kamay si Von at mahinang itinulak palabas ng gate si James mula sa kanyang likod.
Mabuti naman at naging masunurin sila sa akin at hindi na umangal. Pero napatunganga ako ng ganap na kaming makalabas ng gate at nakita ko ang Hummer ni James at ang Lamborghini Veneno ni Von. Kapwa mamahaling mga sasakyan! Wow!
Habang si Jerico naman ay may kung anong pinag-uusapan sila ni Cathy. Nasa tapat sila sa kabilang side ng sasakyan ni Von. Ang tingin ko ay para silang magnobyo na nagpapaalamanan. Lalapitan ko na sana silang dalawa dahil hindi ako kumportable sa itsura nila ng hawakan ako ni James sa siko.
"Sa akin ka na lang sumakay, LJ." Anya ni James.
Sa kanya sumakay? Baliw ba siya? Ang gara ng sasakyan niya tapos hindi namin sasakyan? Bakit kailangan akong sumakay sa kanya eh hindi naman siya kabayo o kalabaw?
Hinampas ko siya sa braso. Halos mapalundag pa siya sa ginawa ko. Ang lakas kasing magkape ng isang ito kaya nagiging nerbyoso eh.
"Bakit kita sasakyan? Ako ba niloloko mo?" Medyo naiinis na tanong ko.
"Ano iyon?" Napakunot ang kanyang noo na para bang hindi maintindihan ang sinasabi ko habang nakatingin sa akin.
Lumapit ako sa side mirror ng sasakyan ni James. Sinilip ko ang mukha ko sa salamin. Tiningnan ko kung may dumi. Pero wala naman ah?
BINABASA MO ANG
Forever with the Star (AWWTS 2)
RomanceIsang sikat na artista (Von Lee) na nainlove sa isang pangkaraniwang fan (Lianne Jaira Dimagiba). Kung titingnang mabuti para silang langit at lupa. Animo'y north at south. Magawa kaya nilang labanan ang lahat ng mga pagsubok na dadating sa kanila...