FWTS 15

8.6K 103 14
                                    

A/N:

Happy 502,000 reads sa aking story na THE STAR. Nasa external link para sa mga hindi pa nakakabasa! Enjoy!

______________________________________

FWTS 15

BIKO

"Ate!!" Tili nina Kyle at Angela ng makita akong bumaba ng sasakyan ni Von.

Yumakap sila sa akin kaya naman niyakap ko din sila pabalik. "Kumusta na kayo?" Natutuwang tanong ko. Namiss ko ang dalawang bubwit na ito!

"Ayos na ayos, Ate. Masaya kami at naandito ka na." Masiglang sagot ni Kyle at hinalikan pa ako sa pisngi.

"Ako ba, walang kiss?" Nakangiting tanong ni Jerico sa may likod nila.

"Kuya Jerico?" Namilog ang mata ni Kyle at tinalon si Jerico para yakapin. Si Angela naman ay hinalikan muna ako sa pisngi bago hinalikan ang kuya nila.

Mas lalo silang tumili ng makita si James. "Kuya James!"

Niyakap nila si James. Niyakap din sila nito pabalik at hinalikan sa buhok si Angela. Si Kyle naman ay ginulo niya ang buhok. Close din kasi si James sa mga nakakabata kong kapatid.

Kung hindi pa tumikhim si Von ay hindi nila mapapansin. "Von Lee?" Laglag ang panga na sambit ni Angela.

"In flesh." Natatawang sabi ni Von.

Lumapit ang dalawa at nakipagkamay kay Von. Si Angela ay parang hindi pa makapaniwala. Kinailangan pang yumuko ng natatawang nobyo ko para lang mahaplos ni Angela ang pisngi niya. Starstruck ang mga kapatid ko!

Nakangiting tinanggap naman ni Von ang mga kamay nila. Pero agad nawala ang ngiti niya ng may marinig kaming sumigaw.

"SI VON LEE!" Sigaw ni Aling Sabeng na nakasilip pala sa bintana.

Narinig iyon ng mga kapitbahay namin kaya nagsisilapitan sila sa labas ng tarangkahan nila. Nang makita si Von ay nagtatakbo na ang mga ito sa bakuran namin para pagkaguluhan siya. Hindi tuloy magkamayaw si Von sa dami ng yumayakap at humahalik na mga taga-amin.

"Si James!" Anya ni Rina.

Kapitbahay namin si Rina at kasing edad ko. Mula bata kami ay lantad na ang paghanga niya sa kababata ko. Pero hindi naman siya pinapansin ni James. Tanging ako nga lang kasi ang babaeng madalas niyang kasama noon. Hindi siya nakikipaglapit sa iba.

Ang supladong si James ay tumango lang. Tinanguan din niya ang mga kapitbahay namin na nagbigay galang sa kanya. Tumigil pa sila sandali sa pagkakagulo kay Von para lang yumukod kay James. Halos lahat kasi ng mga iyan ay mga trabahante ng mga Villareal.. ang pamilya ni James.

"Mabuti at umuwi ka, James. Hindi ka naman nagpasabi man lamang na aalis ka pala." Masiglang sabi ni Rina ng makalapit kay James.

"Nanay ba kita para magpaalam ako?" Walang ganang sabi ni James.

Tumaas pa ang kanyang mga kilay kay Rina. Ugali niya kasi iyan. Kapag may gusto ka sa kanya, susungitan ka niya. Pero kung alam niyang wala, willing siyang makipagkaibigan. Pero hindi rin siya magiging sobrang bait sa iyo. Not unless, Lianne Jaira Dimagiba ang pangalan mo! Haha!

Namula ang babae sa pangbabara ng kababata ko sa kanya. Kaya naman natahimik ang lahat. Tumungo sila at dama mong natatakot.

"Wow! Nirerespeto pala ang gunggong na iyan dito?" Bulong ni Von sa akin.

Siniko ko siya dahil baka may makarinig. "Ang mga Villareal ang may pinakamaraming pag-aari sa amin." Bulong ko pabalik sa kanya.

Tahimik ang paligid ng lumabas si Nanay na sakay ng isang tricycle. Mukhang galing siya sa pagtitinda. Agad namin siyang sinalubong ni Jerico. Nagmano kaming magkakapatid. Habang siya naman ay nakanganga at nakatitig sa naggagandahang sasakyan sa harap ng aming bahay.

Forever with the Star (AWWTS 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon