FWTS 35

6.9K 126 42
                                    

FWTS 35

WAY BACK INTO LOVE


"LJ?" Tanong nang hindi sinasadyang nakabangga ko.

Kulang na lang pati sentido ko ay pumintig. Parang pati ingay sa paligid ko ay unti-unting nawala sa aking pandinig. Parang slow motion sa pelikula na dahandahan kong tiningnan ang kamay niyang nasa siko ko. Pataas sa braso niya hanggang sa kanyang balikat. Inihinto ko sa kanyang gwapong mukha.

"S-Syd." Tanging nasabi ko.

My knees are shaking. Kitang-kita sa blouse na suot ko ang malakas na pagtambol ng puso ko. Kinailangan ko pang lumunok ng ilang ulit. Pakiramdam ko ay natutuyo ang lalamunan ko sa kaba.

Manghang-mangha akong tiningnan ni Syd mula ulo hanggang paa. "I can't believe to see you here, LJ!" Nakangiting palatak niya. "Ang ganda mo! Ang layo nito!" Dagdag pa niya na parang gusto kong matawa dahil hindi na magkaugnay ang mga salitang sinasabi niya.

Pakiramdam ko ay nagiinit ang mga pisngi ko. Halata ko kasi ang sinserong paghanga sa mga mata ni Syd sa akin. Sa kahihiyan ko ay hindi ako makapagsalita. Hindi ko alam kung sasabihin ko ba ay, 'thank you!' o 'hindi naman.'

"Manonood ka ba?" Tanong niya sa akin at agad na lumingon sandali sa likod niya. Tinatawag na kasi siya ng road manager nilang si Ate Ghie.

Tumango ako ng muli siyang tumingin sa akin. "Syempre. Kaya nga ako naandito eh." Naiilang na sagot ko.

"SYD! LET'S GO!" Sigaw ni Pooch.

Kilala ko ang boses niya. Hindi niya lang ako makita kasi medyo natatakpan ako ng matangkad na pigura ni Syd. Ang nipis naman kasi ng katawan ko.

Muling bumaling si Syd sa akin at hinawakan ako sa balikat. "Kausapin kita mamaya. Magstay ka after the concert. We need some catch-up." Sabi niya sabay bitaw sa akin papuntang backstage.

"Syd!" Alistong sigaw ko na nagpalingon sa kanya. "Huwag mo munang sabihing naandito ako ah?" Sigaw ko pa na ang tinutukoy ko syempre ay si Von.

Nakita kong kumunot ang noo niya. Pero agad din siyang ngumiti. "Sure! Isu-surprise natin!" Balik sigaw niya at kumaway na. Nawala na siya sa dagat ng mga staff nila dito.

"LET US ALL WELCOME... THE BAND OF THE DECADE... PUT YOUR HANDS TOGETHER FOR THE HANDSOME... POOCH... JAY... SYD... AND VOOONNN! THE COLOURS!" High energy na pakilala ng emcee kasabay ng pagsayaw ng mga ilaw sa bawat anggulo ng stage.

Doon lang ako natauhan. Dali-dali akong pumunta pabalik sa upuan namin nina Janelle at Doc Kent.

"WWWOOOOHHH!"

"WE LOVE YOU COLOURS!"

Sigaw ng mga fans nang magsimula na ang intro ng kanta nila.

"WE LOVE YOU, SYD!"

"WE LOVE YOU, JAY!"

"WE LOVE YOU, POOCH!"

"WE LOVE YOU, VON!" And I love him too!

Kanya-kanyang sigaw ng fans sa buong hall. Pati si Janelle ay nakikitili. Si Doc Kent at Sir Greg naman ay pumapalakpak at sumisipol. Ako lang ata ang hindi pumalakpak. Titig na titig ako sa mukha ni Von mula sa stage. I can't believe that I can almost touch him this close.

Manghang-mangha ako sa dami ng fans na nagsusumigaw sa buong Brunei Concert Hall. Kung hindi ka fan at naandito ka, tiyak na maririndi ka sa ingay ng paligid.

"Ang tagal mo ata?" Medyo malakas na bulong sa akin ni Doc Kent para marinig ko siya. Sa dami ba naman ng speakers dito sa Hall eh.

Ngumiti lang ako. "Madaming tao sa restroom eh." Sagot ko at muling bumaling sa stage.

Forever with the Star (AWWTS 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon