CHAPTER 3: THE TEACHER

272 6 0
                                    

Habang naglalakad ako ay nasalubong ko ang aking mga estudyante.

"Good afternoon po Mam! " bati nila sa akin.

"Good afternoon din. Saan kayo pupunta? " tanong ko sa kanila.

"Sa canteen po. Magla-lunch. " sagot sa akin ni Ms. Villanueva.

"Ah, o sige. Pakabusog kayo ha "

"Sige po Mam. "

Pagka-alis nila ay dumiretso na ako sa Faculty Room.

Binati ako ng mga kapwa ko teacher's na nandoon. Pagkatapos kong makipagkwentuhan sa kanila ay nagtungo na ako sa aking table at ini-unat ang sarili sa upuan.

"Nakakapagod. " mahina kong sambit.

Binuksan ko ang drawer ng table ko at ilalagay na sana ang mga personal things ko ng may pumukaw sa aking atensyon.

Isang maliit na pulang kahon ang maayos na nakalagay sa may sulok ng drawer.

Nang makita ko iyon ay nakaramdam ako ng galit. Hindi ko talaga maiwasang isipin ang nakaraan. Poot ang nararamdaman ko kapag nakakakita ako ng mga bagay na nagpapa-alala sa kanya.

Pero ang di ko rin maintindihan sa sarili ko eh bakit hanggang ngayon ay di ko magawang itapon ang kahon na iyon. Ewan ko ba.

Ipinilig ko ang ulo ko at bumuntong hininga ng malalim. Ito ay para mawala ang masamang nararamdaman ko sa aking sarili.

Nahilamos ko pa nga ang dalawang kamay ko sa aking mukha.

Naikalma ko ang sarili ko at nagsimulang ayusin ang gamit sa table.

Wait?! Teka lang. Parang.... May NAWAWALA?!

Kinapa ko ang bulsa ko.

( kapa. kapa. kapa. )

WALA!

Hinanap ko sa table. Wala rin. PATAY! Saan ko naiwan?!

Isip....isip....isip....TING!

Oo nga! Tama! Nailapag ko iyon sa table ni Mam Aerah.

Nakalimutan kong kunin dahil dun sa bwisit na lalaking nanilip sa akin nung nagbibihis ako.

Sumagi na naman sa isip ko yung damuhong iyon. Tsk.

Naiinis ako kapag naaalala ko yung nangyari kaninang umaga. Arrrrgghh!

Wag sanang tanggapin iyon bilang janitor dito sa school. Kung magkataon eh araw-araw akong mabi-bwisit at baka mag-resign na lang ako.

Tumayo na ako at lakad-takbong nagtungo sa principal's office.

Habang natakbo ay.....

B O O O G G S S H H !!!

"OUCH! "

"ARAY KO! "

Biglang may taong sumulpot sa palikong pasilyo at nagkabanggaan kami.

"Naku, sorry po. Nagmamadali lang po ako. " sabi ko dun sa nakabungguan ko.

Ang sakit ng noo ko. Hinipo ko pa kung may bukol. Nauntog yata ako sa chin niya. Buti na lang hindi ako natumba. Naka heels pa man din ako.

"Ah okay lang po. " sabi nung lalaki habang nakahawak dun sa may chin niya.

Tapos ay nagkalingunan kami.

( O _ O )

( O . O )

( konting katahimikan tapos....)

"IKAW ?! "

"IKAW ?! "

B O G !

Opo. Nasapak ko siya.

"Aray ko Mam. Ano po bang subject ang tinuturo niyo? Boxing? Aray ko po. Magkakasingaw na naman ako nito. " sabi nito habang nakahawak ang kanang kamay sa pisngi.

"Singil ko yan sa paninilip sa akin. " naka cross-arm kong sabi sa kanya.

"Ilang beses ko po bang sasabihin sa inyo na hindi ko nga iyon sinasadya. Aw?! Na-dislocate yata ang panga ko. Mike,test.... Mike,test....1,2....1,2. Ah ang sakit talaga. " inda nung lalaki.

Hmp. Bagay sa'yo yan. Manyakis!

"Umalis ka nga diyan sa daraanan ko at nagmamadali ako. " binangga ko siya sa balikat at nagpatuloy na sa paglalakad.

Ngunit hindi pa man ako nakakalayo ay napatigil ako sa sinabi niya.

"Haist! Kawawa na siguro ang asawa mo sa'yo. Laging bugbog sarado. " sabi nito.

Pumasok sa utak ko yung salitang ASAWA. Dahil dun ay natigilan ako.

"W-wala... A-akong... A-asawa. "

Hindi pa rin ako humaharap sa kanya.

"Eh di boyfriend. Siguro kawawa na sa iyo yung malas na lalaking iyon. Buti hindi ka iniiwan. " dagdag pa niya.

Rumehistro naman yung salitang IWAN sa utak ko.

Para bang may sumaksak sa aking dibdib. Ang sakit. Hindi ako makahinga. Hindi ko na rin napigilan ang mga luhang bumagsak mula sa mga mata ko.

Lumingon ako sa mokong na iyon at tiningnan siya ng masama.

Nakakainis itong lintek na 'to. Bwisit!







-mhonvondeasce09-

GHOST KO PO!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon