CHAPTER 11: DREAMS

135 2 0
                                    

KINLEY POV

"Hay naku, iba na talaga ang mga kabataan ngayon. " iiling-iling na sabi ni janitor.

Tapos nun ay sa akin naman ito bumaling.

"Oh ayan, wala na kayong problemang dalawa. "

"Ah oo, maraming salamat. " buong pusong sabi ko.

Nagtaka ako sa ekspresyon ng mukha niya na tila gulat na gulat.

"Oh, bakit ganyan ang mukha mo? Para kang nakakita ng multo? "

"Multo ka naman talaga eh. "

"Sabi ko nang... Hay naku, bahala ka na nga. "

"Ha... Ha... Ha... Joke lang. Medyo nagulat lang ako sa pagpapasalamat mo. Para kang maamong tuta. Kaya mo naman palang magpakabaet, sinusungitan mo pa ako. "

Nagpout na lang ako.

Di ko siya kasi pwedeng sungitan ngayon. Niligtas niya ako eh.

"Ah basta, salamat. "

Ngumiti ito.

"Wala 'yon. "

Nilapag nito sa desk ko yung mga gamit na kinuha ng mga lalaking iyon sa akin bago sinipat-sipat ang natutulog kong katawan.

"So, sino 'to? Kapatid mo? Kakambal karibal? Bestfriend? Pinsan? Kamag-anak? "

"Ako yan. "

"Ikaw 'to? Ha... Ha... Ha... Pwede ba, wag ka ngang magpatawa? "

Seryoso lang akong nakatingin sa kanya habang siya naman ay tumatawa.

Pero ng makita niya ang itsura ng mukha ko ay agad itong huminto.

"Seryoso? Ikaw talaga 'to? "

Ayaw pang maniwala ni kumag.

"Ganun na nga. " sabi ko.

Di ko lang alam pero parang nakita kong kuminang ang kanyang mga mata habang inililipat niya ang tingin sa akin at dun sa katawan ko.

Tapos kinurot-kurot nito ang braso ng aking katawan.

"Hoy... Hoy... Hoy...?! " saway ko sa kanya.

"Ay sorry, pasensya na. Namamangha lang ako. Ngayon lang kasi ako naka-encounter ng ganito. Yung kaluluwang nakahiwalay sa katawan kahit di pa patay. Karaniwan ang mga ganitong kaso ay yung mga nako-comatose. May naririnig na akong mga kwento tungkol dito pero ngayon ko lang talaga ito napatunayan. Ang galing?! May tawag dito eh... Ah... Ahm... Ano... Asthma Infection? "

"Engot. Astral Projection. "

"Oo tama, yun nga! Ha... Ha... Ha... Pero teka nga, paano mo ito nagawa? "

"Sa totoo lang, di pa rin ako makapaniwala na nagagawa ko ito. Bago ko lang kasi ito natuklasan. Natakot nga ako nung una eh, akala ko kasi patay na ako. Pero ng tingnan ko yung katawan ko, buhay pa ako at humihinga. Pinilit ko ring gisingin ang sarili ko, baka kasi nananaginip lang ako. Ngunit napatunayan kong totoo ang lahat ng nangyayari. So ayun, kinalaunan eh medyo nawala ang takot ko. Lumabas pa nga ako ng kwarto ko. Yun yung time na nakita mo ako kagabi. "

Teka nga? Bakit may kantang 'Magpakailanman' sa background? Naiwan ba ni Princess ang phone niya?

"Ah. "

"Medyo na-curious ng konti kaya nagresearch ako sa internet tungkol dito. Tapos may nabasa ako dun kung paano mag-astral project within 3 steps. And then I try it. Gumana yung ginawa ko kaya eto ako ngayon. "

GHOST KO PO!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon