DREAMS PART 2

137 1 0
                                    

SHIN POV

Arghhh... Nahihirapan na ako. Nakakainis?!

Sa lahat ba naman ng tatamaan, bakit ang mga mata ko pa?!

Sobrang init ng paligid at nakakasulasok ang amoy ng usok.

Nararamdaman ko ang pagtulo ng pawis sa mukha ko at pagdaloy ng dugo sa aking mga mata. Nahihirapan tuloy akong makakita.



"Tulong?! Tulong?! " sigaw ko ngunit lahat ay nagkakagulo at tila hindi na nila ako napapansin.

Pinilit kong tumayo. Kinapa-kapa ko ang pader at naglakad ng paunti-unti upang iligtas ang aking sarili.



B L A G ! B L A G !



Sa di kalayuan ay may narinig akong kalabog.

Dahil sa masakit na ang mga mata ko at sa makapal na usok ay di ko matukoy kung ano iyon.

Habang papalapit ako ng papalapit ay palakas ng palakas ang kalabog.

Hanggang sa maaninag ko ang isang lalaki na nakatayo sa isang kwarto at pwersahang sinisira ang pinto nito.

Duguan ang balikat niya at tila hirap na hirap na sa ginagawa.

Napahinto siya ng mapansin niya ako.



"Tulungan mo ako, nakulong ang anak ko sa loob. "

"Sigurado po kayo? "

"Oo, nandito siya. "

Di na ako nag-atubili at tinulungan ko siyang sirain ang pinto.



B O O G S H ! B O O G S H !



Pinatabi ko ang lalaki at bumuwelo ako para tadyakan ng malakas ang pinto.




B L A G !



Tuluyan na itong nabuksan.

Papasok na sana sa loob ang lalaki ngunit pinigilan ko ito.

"Ako na po ang magliligtas sa anak niyo. "

Huminga muna ako ng malalim bago ko lakas-loob na pinasok ang kwarto.






Bigla akong napadilat at marahang bumangon.

Lumingon ako sa paligid. Payapa ang lahat.

Tumingin ako sa nakasabit na wall clock. Alas-onse pa lang ng gabi.

Naihilamos ko ang mga kamay ko sa aking mukha.

Nanaginip na naman ako. Nagiging madalas na ang panaginip ko tungkol sa nangyaring trahedya limang taon na ang nakakaraan.

Ewan ko ba, kung kailan okay na ang lahat. Saka naman bumabalik sa isipan ko ang nangyaring bangungot.

Ipinilig ko ang aking ulo at pinakiramdaman ang sarili.

Ang init? Ang banas naman masyado? Patay ba ang electric fan? O nawalan ng kuryente?

Nilingon ko ang kinaroroonan nung electric fan. Medyo napatawa pa ako sa nakita ko.

Tumumba ito sa maliit na lamesitang pinaglagyan ko at bumagsak sa mukha ni Noel. Buti na lang at nahugot ito sa pagkakasaksak sa outlet.

Langya talaga itong si Noel, ang likot matulog. At take note ha, nabagsakan na ng electric fan eh tulog na tulog pa rin. Ang tindi talaga ng taong ito.

Napapailing na tumayo ako sa folding bed upang ayusin ang natumbang gamit.

Nang maiayos ko ito ay bumalik na ako sa aking pagkakahiga upang ipagpatuloy ang naudlot kong tulog.

GHOST KO PO!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon