HER BODY PART 2

214 5 0
                                    

KINLEY POV

Opo. Tama po kayo.

Nakisabay ako ng sigawan at takbuhan dun sa dalawa. Natakot din kasi ako sa sinabi ni Manang.

Ewan ko na kung saan tumakbo yung matanda.

Pero sigurado ako na sa c.r. nanakbo si Mercy at doon nagsisisigaw. Pagkatapos nun ay alam niyo na.

Ako naman ay napunta sa labas ng aming bahay, sa may kalsada. Bigla na lang may sumagi sa isip ko.

"Teka lang, ako nga pala ang dahilan kung bakit natakot yung dalawang iyon. Bakit ako nakitakbo? Lang'ya?! Pagkamalan ba naman akong multo. Ah teka, multo nga pala ako ngayon. Ha!.... Ha!.... Ha!.... Hay ewan, nakakapraning ang araw na 'to. Ay! Gabi na pala. " sabi ko sa aking sarili.

Naririnig ko pa rin ang tilian nung dalawa mula sa loob ng bahay namin.

"Tsk. Pero nakakainsulto talaga. Mukha ba akong multo?! Itong gandang mala-diyosa kong mukha? Ito?! Ito?! " dugtong ko pa habang tinuturo ang sarili.

Natigil ako sa pagpuri sa aking sarili dahil biglang may lumiwanag sa itaas ng kinatatayuan ko.

Parang nanggagaling yung liwanag sa langit. Hindi ko nga lang maaninag. Pero ang ganda.......

....................

....................

....................

OW WAIT TA MINUTE! KAPENG MAINIT!

Itong liwanag?! Ito na ba yung sinasabi nilang susundo sa'yo kapag yumao ka na?! Kukunin na ba ako ni lord dahil sa isa akong mabait na bata?!

"OH MY GOLLY! Please, wag po muna. Bata pa po ako. Marami pa po akong gustong gawin sa buhay?! Wala pa nga po akong boyfriend eh?! Hindi ko pa natitikman ang first kiss ko. Kaya po please, wag niyo po muna akong kunin. Wag muna?! I'm begging you?! Have mercy on me?!! " pikit-dasal kong sabi.

Hindi ko naman naramdaman na umaangat ako.

Naku! Baka nasa langit na ako agad. Ginamitan ako ni lord ng teleportation?!

Pagmulat ko ay wala naman ako sa langit. Wala ring sumalubong sa akin na mga nagkakantahang anghel. Wala din si San Pedro at ang alaga nitong manok na busog sa himas ( joke lang ).

Nandun pa rin ako sa gitna ng kalsada.

"Hay, salamat. Dininig ni lord ang pakiusap ko. Gusto niya pa ata akong magka-boyfriend. Hi.... Hi.... Hi.... " malandi kong sabi.

Tumingin ulit ako sa aking itaas. Nandun pa rin yung liwanag. Nakakapagtaka naman?

Sinipat kong mabuti kung saan iyun nagmumula.

"Ay! Posha naman oh! Ilaw lang pala sa poste. Akala ko kung ano na. Tsk. Lord, sorry. Nadamay pa po kayo. I love you po. Promise po, hindi na ako magmumura. "

"P * * * T T A A A !!! "

"Ay kalabaw?! " nagulat ako dahil bigla na lang may sumigaw.

Tumingala ulit ako.

"Lord, hindi po ako yung nagmura ha. " cross-sign.

Sa di-kalayuan ay may naaaninag akong lalaking natakbo at tila takot na takot. Pero wala namang nakasunod na kung ano sa kanya. Weird?

Teka? Baka magnanakaw ito? Ipinahabol siguro sa aso.

Oh? Bakit natawa pa siya? Baliw ata ang isang 'to eh? Nakawala siguro sa mental.

Nang medyo makalapit na siya sa aking kinaroroonan ay agad kong inaninag ang kanyang mukha.

Wait lang? Pamilyar ang lalaking ito ah? Teka, san ko nga ba siya nakita?

GHOST KO PO!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon