DEAD AND ALIVE PART 2

108 1 0
                                    

CHEALSEY POV

Nang lumabas kami ng garahe ay bumungad sa amin ang isang bahay na ilang lakad lang ang layo sa kinaroroonan namin.

Awtomatiko na lang kaming napasunod ni Shin dun kay Mr. Bolante.



Nang makapasok kami sa bahay ay lalo akong naguluhan at nagtaka nang makita ko ang sala.



Sandali nga lang? Para talagang pamilyar ang lugar na'to?

"Dito tayo. " sabi ni Mr. Bolante sa amin.

Umakyat ito sa second floor ng kabahayan.



Habang umaakyat kami ng hagdan ay kinalbit ko si Shin na kasalukuyang nauuna sa akin. Huminto naman ito para harapin ako.

"Bakit, Mam? "

"Alam mo pamilyar talaga ang lugar na ito? Di ko lang maalala eh? "

"Talaga po? "

"Basta sigurado ako eh? Nakita ko na ang lugar na ito sa kung saan? "

Naudlot ang pag-uusap namin ng tinawag kami nung nurse na kasama ni Mr. Bolante.

"Dito po tayo. " sabi nito.

Nagkibit-balikat na lang si Shin. Saka kami sumunod ulit dun sa dalawa.



May nilikuan pa kaming isang pasilyo bago nakarating sa isang kwarto na nasa bandang dulo nung second floor.

Napatingin at napabuntong-hininga muna si Mr. Bolante bago buksan yung kwarto.



Pagbukas namin ay agad nahagip ng aming mga mata ang isang kama na may nakatakip na puting kurtina.

'See through' yung kurtina kaya aninag namin na may taong nakahiga sa loob nun.



Ewan ko ba pero agad akong kinabahan. Ang bilis ng tibok ng puso ko na para bang sasabog na ito.

Nakatingin lang sa akin si Mr. Bolante na para bang tinitingnan niya ang magiging reaksyon ko.



Hanggang sa lumapit ito dun sa kama.

"Sapat na bang patunay ito. " saka nito hinawi yung kurtina.



Lalong bumilis ang tibok ng puso ko. Nangilid din ng luha ang aking mga mata.

Kahit parang naninigas ang mga binti ko sa kaba ay pinilit kong lumapit doon ng dahan-dahan.



Meron na akong ideya kung sino iyon ngunit gusto ko pa ring makasiguro.



Hanggang sa masilayan ko na nga ang mukha nung taong nakahiga.

Di ko na nga napigilan, umiyak na ako ng malakas. Lumapit ako dun at isinubsob ang mukha sa kama habang nakayakap sa tiyan niya.

Nakaramdam ako ng tuwa dahil natapos rin ang isang taong pangungulila ko sa kanya.



"S-shaun?! Ikaw nga... Buhay ka?! "








SHIN POV

Shane Bolante ang pakilala niya sa amin. Nalaman din namin na siya ang nakakatandang kapatid ni Shaun.

"Kaya pala nung una ay nagduda ako nung sabihin ni Shin ang apelyido niyo. " sabi ni Mam Chealsey  na nakaupo sa tabi ng kama ni Shaun.



Ewan ko ba pero parang nag-iba ang aura ni Mam? Lagi ng maaliwalas ang mukha nito, nakakangiti na at parang masisilaw ka sa kinang ng kanyang mga mata.

GHOST KO PO!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon