SECRETS PART 2

124 1 0
                                    

SHIN POV



( 0 . 0 ") !?!



Isang aparasyon ang nakaharang sa daraanan ko. Halos isang dipa lang ang pagitan naming dalawa.

Nanigas ang buong katawan ko, di ako makagalaw.

Hindi ko rin maalis ang tingin ko sa kanya kaya naman kitang-kita ko ang mukha ng isang nakakakilabot na nilalang.

May mga sugat ang buong mukha at katawan nito na tila naaagnas na.

Ang mga mata niya ang mas nagpahindik sa akin. Kulay dilaw iyon na matingkad. Dahil dun ay nagmukha tuloy siyang totoong halimaw.

Parang di na multo itong kaharap ko ngayon.

Wait lang? Ang damit niya?! Kulay orange na may nakatatak na malaking letter 'P' sa gitna.

Wag mong sabihin na siya yung misteryosong multo?!

Sh*t?! Sana pala, di ko na inasam na habulin ang lintek na ito?!

Nakaramdam rin ako ng madilim na awra sa nilalang na ito, Awra ng kamatayan.

Pawis na pawis na ako at panay ang lunok ko.

Nakatingin lang ito sa akin at mukhang galit na galit. Teka? Inaano ko ba ito? Galit ata ito sa mga tsismoso?



"S-sino k-ka? A-anong k-kailangan mo? " nauutal ako sa takot.



Pero isang nakakakilabot na sigaw ang nakuha kong sagot mula rito. Para bang alingawngaw na nanggagaling sa ilalim ng lupa.



"R O O O A A A A R R R R !!! "



"A A A H H H H !!! " napasigaw ako at napaatras.

Dahil sa pagsigaw at pag-atras ko ay napalabas ako sa pinagkukublian ko at napabungad kina Mr. Mendoza at Chealsey.

"What the hell are you doing here? " sita sa akin ng matanda.

Napalingon ako sa kanila.

Lalong nanlaki ang mga mata ko. Di dahil sa nakita nila ako, kundi dahil sa.....



Mga multong nakapalibot sa kanilang dalawa?!



Isang bata, isang babae, lalaking pugot, matandang babae at yung multong security guard.

Yung mga espiritong na-encounter ko nung unang araw ko dito sa school.



Anong ibig sabihin nito? Binalot man ng takot ay ibinalik ko ang tingin ko dun sa multong may kulay dilaw na mata.



Wala na? Naglaho na ito.



Lumingon ulit ako sa kinaroroonan nung dalawa. Nawala na rin yung mga multo.

Ano ba talaga ang nangyayari?!



"Are you deaf? I said, what are you doing here?! " galit na tanong ni Mr. Mendoza.

Saka ko lang napagtuunan iyon ng pansin.

"Po? " lutang na sabi ko rito.

"What the f.... Bakit ba kumukuha si Ms. Timedra ng mga bobong janitor? "

Bobo? Sobra naman ang matandang ito?! Di ko pa nalilimutan na sinampal nito si Chealsey. Pag ako hindi nakapagtimpi eh?!

.....Wala lang. Baka pasalvage ako nito pag sinapak ko ito eh.

"Ah Sir... Ano po kasi... Ano... Ano po... Ahm... "

"Wait, Are you listening to us? "

"Naku, di po?! Si Sir naman, kararating ko lang po. Wala po akong narinig kahit isa. "

GHOST KO PO!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon