SHIN POV
"Si Shaun? Teka, paano mo naman nalaman ang tungkol sa kanya? "
Binaba nito ang hawak na mga papeles at nagtatakang tumingin sa akin.
Nandito ako ngayon sa office ni Mam Aerah. Kasalukuyan kasi akong naglilinis dito.
Si Noel sana ang inutusan niya ngunit nagkataon naman na may ipinagawa si Mr. Mendoza rito kaya ako na lang daw ang gumawa. Mabuti na lang at tapos na ako sa iba pang gawain.
Sasamantalahin ko na rin ang pagkakataon para makakuha ng kahit konting impormasyon tungkol kay Ms. Chealsey.
Naisipan kong tanungin si Mam Aerah, baka kasi may nalalaman siya.
"Ahm... Ano po kasi... Eh... Ah! Na-nabanggit lang po sa akin ni Ms. Vista. Medyo nacurious lang po ako. He... He... He... " pagsisinungaling ko.
"Ah... "
Pinagpatuloy na ni Mam ang ginagawa.
"Mukhang close na kayo ni Ms. Vista ah at pati si Shaun ay nabanggit niya sa'yo. "
"Ahm, hindi po masyado. "
"Dating janitor dito sa school si Shaun. Siya yung pinalitan mo. "
"Ah... Eh ano po ang kinalaman ni Ms. Vista sa kanya. "
Napatingin ulit ito sa akin at ngumiti.
"Mukhang gusto mong makipagkwentuhan sa akin ah, Mr. Jericon. "
Napangiti na din ako at napakamot sa batok.
Tumayo si Mam Aerah at nagtungo sa isang may kalakihang cabinet at naghalungkat ng ilang files.
"Hindi ako sigurado pero napabalita kasi dito sa school na may relasyon ang dalawang iyon. "
"May relasyon?! " medyo napasigaw ako ngunit di naman gaanong malakas.
Bigla tuloy napalingon si Mam Aerah sa akin.
"Grabe ka namang makapagreact? Ang O.A. ha. "
"Ay sorry po, nagulat lang po ako sa sinabi niyo? " nahihiyang sabi ko.
Napailing na lang ang magandang guro at nagpatuloy na sa tsismis niya.
"Hindi ko naman masisisi si Chealsey kung na-inlove siya dun. Mabait si Shaun, masipag kahit medyo may pagkamakulit. "
Seryoso lang akong nakikinig sa kwento ni Mam. Nakalimutan ko na nga na nandito nga pala ako para maglinis.
"Okay na sana yung dalawa kaso may isang tao na tumutol sa kanilang pagmamahalan. "
"Sino po? "
"Eh di, ang ama ni Chealsey. "
"Ganun po ba, ano pong nangyari? "
"Siyempre, hindi ito pumayag sa relasyon nung dalawa. Hampas-lupa daw si Shaun at hindi pwedeng bumagay sa kanyang anak kaya pinaghiwalay ang mga ito. "
"Grabe naman po iyon. Para pa lang teleserye ang buhay ni Mam Chealsey. Eh nasaan na po ba si Shaun? "
"Isang araw, biglang naglaho si Shaun. Walang makapagsabi kung nasa'n ito. Maging ang pamilya nito eh walang alam sa kinaroroonan ng binata. "
"Biglang naglaho? "
"Oo. At alam mo ba na kasabay ng pagkawala ni Shaun eh ang pagkawala rin ng matalik na kaibigan ni Chealsey na si Mam May. "
"Po? Mam May? "
"Kaya nagkaroon ng usap-usapan na maaaring may relasyon ang dalawa. Nagtanan daw ang mga ito at nagpakalayo-layo. Pero yung iba ay hindi naniniwala. Ahm, Sabihin na natin na isa ako sa mga hindi naniniwala. "
BINABASA MO ANG
GHOST KO PO!
Mystery / ThrillerMHON'S HEROES SERIES #1 Third eye guy meets astral girl, at ang school na puno ng misteryo at kababalaghan. Mapapasigaw ba sila at mapapasabing "GHOST KO PO! " -mhonvondeasce09-