SHANE POV
B A N G !
Habang naglalakad kami nung Noel na panget patungo sa office ni Mr. Mendoza ay nakarinig kami ng putok ng baril.
"Teka?! Putok ng baril yun ah? "
"Pa-parang galing yun dun sa gym? " sabi ni panget.
Agad kaming nagtungo doon.
Nang makarating kami ay napansin ko agad ang kotse ni Mar na nakaparada sa labas nung gym. Dun kami pansamantalang nagkubli.
"Mukhang nandiyan nga sila sa loob. "
"Ha? Paano niyo naman nasabi? "
"Itong sinasandalan nating kotse, eh kotse ni Mar ito. Kaya nakakasiguro ako na nandiyan nga sila. "
"Eh anong gagawin natin? "
Inilahad ko ang kamay ko kay panget.
"Akina ang baril ko. "
"Huh? Ah, eto oh. "
Handa na sana akong sumugod ng may mapansin ako sa hawak ko.
Teka? Baril ba itong hawak ko? Bakit bilog tapos matigas?
Napanganga na lang ako ng tingnan ko kung ano yung ibinigay sa akin ni panget.
"Hoy?! Ano 'to?! " sita ko sa kanya.
"Ha? Eh di bato. Bulag ka ba? "
"Eh kung ipukpok ko ito sa'yo?! Bakit ito ang ibinigay mo? Nasaan na ang baril ko? "
"Eh di ba nga? Kinuha ni Shin kanina? "
Natampal ko na lang ang noo ko ng maalala ko iyon.
"Ay sh*t?! Oo nga pala. Pang-asar naman itong si Shin? Kung kailan kailangan ko ng baril?! "
"Ano nang gagawin natin? "
Napaisip ako.
Ano kaya kung sumugod kami dun sa loob tapos gagawin kong human shield itong si panget? Tapos lalapit kami ng lalapit dun sa nagpapaputok. Kapag malapit na ako ay susunggaban ko ang baril at patutulugin ko sa suntok si Mar.
Sunod ay ililigtas ko ang estudyante at aalis kami sa lugar na'to.Tapos itong si panget eh bibigyan ko ng honorable funeral sa kanyang katapangan bilang human shield na inalay ang buhay para sa akin.
Tama! yun nga ang gagawin ko.
Sasabihin ko na sana ang plano ko kaso ng mapatingin ako sa kanya ay bigla akong naawa.
Lalo na ng makita kong nangungulangot ito.
Wag na nga lang? Nakakaawa. Panget na nga, mamamatay pa.
"Halika na. " sabi ko.
"Huh? Susugod tayo eh wala tayong baril? "
"Bahala na, basta hawakan mo itong bato. At sumunod ka sakin. "
Dahan-dahan akong lumapit ng lumapit dun sa pinto ng gym na bahagyang nakabukas.
Pagdikit ko pa lang sa pinto ay nakarinig na agad ako ng mga boses na nagtatalo.
Sumilip ako at nakinig sa usapan nung dalawa.
Kaso itong si panget ng sumunod ba naman sa akin ay bigla na lang nadapa at bumalandra ang mukha dun sa pinto nung gym.
B L A G !
BINABASA MO ANG
GHOST KO PO!
Mystery / ThrillerMHON'S HEROES SERIES #1 Third eye guy meets astral girl, at ang school na puno ng misteryo at kababalaghan. Mapapasigaw ba sila at mapapasabing "GHOST KO PO! " -mhonvondeasce09-