THE EVIDENCE PART 2

122 2 0
                                    

SHIN POV

6:00 pm...

Nakatanggap ako ng text mula kay Mam Chealsey.

"Ppunta na q, ready n kau. " yun ang nilalaman nung message.

Agad akong napatingin sa mga kasama ko.

"Game na, alam niyo na ang mga gagawin niyo ha? "

"Oo. " si Louie.

"Yes, Sir. " si Princess, sumaludo pa ito.

"Ready na. " si Lona.

Nagkatanguan naman kami ni Kinley.

"Okay, sana maging maayos ang lahat. "

Lahat kami ay lumabas na ng General Services Room. Nang papalabas na ako ay biglang may kumalbit sa akin. Si Noel.

"Teka? Anong gagawin ko? "

Ay, oo nga pala. Wala pa akong iniuutos kay Noel. Di ko kasi alam kung ano ang ipapagawa ko dito. Ano kaya?

Isip... Isip... Isip...

Ah! Alam ko na!

"Gan'to ang gagawin mo Noel. Bantayan mong mabuti si Mang Berto. Kahit na anong mangyari, wag na wag mo siyang papupuntahin sa SD Office, maliwanag ba?"

"Si Mang Berto na naman? Teka lang ha, nakakahalata na ako. Ano bang problema mo sa'kin? Bakit ba ako ang hinaharap mo sa kanya? Alam mo naman na nag-away na kami kanina, tapos ako ang pababantayin mo sa taong yun? Haw cud yu? "

"Eh, may mga gagawin na kasi sila. " turo ko kina Kinley.

Hinawakan ko ito sa magkabilang-balikat.

"Noel, ikaw lang ang maaasahan ko sa bagay na ito. Alam ko naman na hindi mo kami bibiguin. Magaling ka naman di ba? Pogi ka pa? "

"Naku, wag mo na nga akong bolahin. "

"Hindi kita binobola, totoo ang sinasabi ko. Di ba, guys? " baling ko dun sa apat.

"Totoo yun, Kuya Noel. " si Louie.

"Oo. Magaling na, pogi pa?! " si Lona.

"Alam kong kaya mo yun, Bonnel. " si Princess.

"Ah.. Oo na lang. " si Kinley.

Kinikilig naman na napangiti si Noel sa mga pinagsasasabi namin.

"Sige na nga, malakas kayo sa akin eh. Akong bahala diyan kay Mang Berto. "

Saka ito lumabas at nagtungo na dun sa guard house.

"Okay guys, tara na. Goodluck sa atin. "

Nauna na yung tatlo patungo sa SD Office. Sinabayan ko naman si Kinley sa paglalakad.

"Uy. "

"Huh? Bakit? "

"Napapansin kong tahimik ka, kinakabahan ka ba? "

"Medyo, pero may iba pa akong nararamdaman eh? "

"Ano? "

"Para bang may mangyayaring masama? "

Bumuntong-hininga ako.

"Wag kang mag-alala, walang mangyayaring masama. Sisiguraduhin ko yan. "

Napatingin sa akin si Kinley.

"Di mo masasabi yan. Malay mo big--- "

"Kinley. "

GHOST KO PO!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon