SHIN POV
Kitang-kita ko kung pa'no manakbo at tumagos sa isang nakasarang classroom si babaeng multo.
Bakit kaya siya pumunta doon? Anong gagawin niya? Atsaka, bakit sobra naman ang pagmamadali niya?
Hmmm... Ano kaya kung puntahan ko?
Ihahakbang ko na sana ang aking mga paa patungo sa lugar na 'yon.
Ngunit sumabay ang tunog ng nagwawala kong bulate sa tiyan. Sumisigaw ng hustisya dahil wala pa raw siyang nakukuhang sustansya sa katawan ko.
Nagkibit-balikat na lang ako.
"Hay naku, bahala na nga siya sa patay niyang buhay. Kakain na lang ako, nabusog pa ako. " sabi ko sa sarili.
Humakbang na ako patungong canteen.
KINLEY POV
Natulala ako at hindi agad nakakilos.
Imbes na mga kaklase at teacher ko eh tatlong lalaking estudyante ang nadatnan ko sa room.
Ang isa ay nakasilip sa bintana at nagsisilbing look out. Yung pangalawa ay nagseselfie gamit yung phone ko. Iniwan ko kasi iyon sa aking desk. At yung pangatlo ay sinisinghot-singhot ang buhok ko na para bang gusto na niyang ipasok ang ulo ko sa ilong niya.
Anong ginagawa ng mga unggoy na 'to dito sa room namin?!
Tapos binabastos pa ako nung isa?! Yuck?! Kadiri?! Ang panget pa naman?!
Galit na galit akong lumapit sa kinaroroonan nung dalawa at dinuro-duro ang mga ito.
"Hoy! Ikaw manyak! Anong ginagawa mo sa buhok ko?! At ikaw?! Bakit mo ginagalaw yang phone ko?! Mga wala kayong modo?! Isusumbong ko kayo sa mga teacher's at principal! Mananagot kayong tatlo! Mga herodes kayo! Mga panget! Mga unggoy! " histerikal na sabi ko.
Ngunit walang reaksyon ang dalawa at patuloy lang sa ginagawa.
Ay Shi Tzu?! Hindi nga pala nila ako nakikita at naririnig. Patay! Naloko na! Magagahasa pa yata ako ng wala sa oras.
Sana dumating na sina Princess, Lona at Louie o kahit sino sa mga kaklase ko para may makakita sa ginagawa ng mga kumag na ito at nang maisumbong.
"Tol, tama na nga yang kakaselfie mo. Picturan mo na ako dito dali. " sabi nung manyak na umaamoy sa buhok ko.
"Oo na, kasi ikaw eh ang tagal mong mag-pose. Singhot ka ng singhot diyan. Para kang lumalanghap ng katol. "
"He... He... He... Sensya na, Di ko lang mapigilan. Ang bango kasi ng buhok nito ni Ate, amoy palmolive. "
"Ate? Hoy panget! Wala akong kapatid na adik?! Kaya wag kang maka-ate ate sa akin?! Atsaka, di ko lang shinampoo yang buhok ko, may cream silk pa yan. " sabi ko.
Halos bulong lang kung mag-usap ang dalawa ngunit dinig mo pa rin. Iniisip siguro nila na baka magising ako kapag masyadong malakas ang boses nila.
"Manyak ka talaga. "
"O sige na, kunan mo na ako. "
"Alam mo tol, may naisip akong mas maganda pa diyan sa ginagawa mo. "
"Ano? "
"Halikan mo kaya. "
( 0 . 0 ) !?!
Napanganga ako.
Ako? Hahalikan?! Oh hinde?! Ang mga virgin kong labi. Madadampian ng labi ng isang panget na manyakis na lalaking ito.
BINABASA MO ANG
GHOST KO PO!
Mystery / ThrillerMHON'S HEROES SERIES #1 Third eye guy meets astral girl, at ang school na puno ng misteryo at kababalaghan. Mapapasigaw ba sila at mapapasabing "GHOST KO PO! " -mhonvondeasce09-