CHEALSEY POV
/ present day /
Dahil sa pagbabalik-tanaw ko sa aking nakaraan ay di ko napansin na naka-off na pala yung tawag ni Shin.
Nagulantang na lang ako ng may tumawag sa pangalan ko.
"Chealsey. "
Agad akong napalingon sa taong iyon. Si Daddy.
"D-dad? " pasimple kong ibinulsa ang phone ko.
Pero alam kong di yun nakaligtas sa kanyang mga mapanuring mata.
"K-kanina pa kayo diyan? " kinakabahang tanong ko.
Lalo akong kinabahan ng sabihin nitong 'oo'. Baka kasi narinig niya yung usapan namin ni Shin.
Seryosong nakatingin lang ito sa akin at tila sinusuri ang bawat galaw at sasabihin ko.
"B-bakit po? "
Bumuntong-hininga ito bago mag-usap.
"Mukhang di na tayo matutuloy. It's already 7pm, may tatagpuin pa akong tao. Pasensya na. "
Naglakad na ito palabas nung clinic.
Dahil dun ay nanlaki ang mga mata ko at dali-daling sinundan siya sa labas.
"Dad?! Wait?! Please, ituloy na natin ito? Nandito na rin lang tayo. Kahit mga 30 minutes lang? Gusto ko lang kayong makausap? "
Huminto ito at humarap sa akin.
"About what?! Wala naman tayong dapat pag-usapan? Kung meron, sige ano yun? Tell me. "
Natigilan ako dahil di ko alam ang sasabihin. Tinitigan naman ako nito ng masama.
"Gusto mo akong makausap? O gusto mo lang akong libangin? "
Napanganga at kinabahan ako sa kanyang tamang hinala.
"A-ano bang pinagsasasabi niyo? " maang-maangan ko.
Ngumisi lang ito at nagpatuloy na sa paglalakad. Kaso agad din itong napatigil.
"Dad?! Please, gusto ko talaga kayong makau--- "
"What the f...?! "
Nagtaka ako dahil ng lumapit ako sa kanya ay napansin ko ang nag-aalala niyang mukha.
Napatingin ako dun sa kamay niyang may hawak na susi?
"W-why? "
"This is not my keys?! "
Napaisip ito, maya-maya ay napatingin ito dun sa may clinic.
"That boy?! " sambit nito.
Dali-dali itong bumalik sa loob nung clinic. Napasunod naman ako sa kanya.
Nang marating namin ang kwarto nila Princess ay wala na sila dun.
Napasabunot naman sa buhok si Daddy at halatang inis na inis.
Maya-maya ay may dumating na Nurse. Agad itong tinanong ng aking ama.
"Nasaan na yung dalawang estudyanteng kasama namin? "
"Po? Ah, ano po... Nagpaalam po sila sa akin na magsi-c.r.? "
"San ang c.r. niyo? "
"Diretso po kayo dito tapos kaliwa po. "
Agad itong naglakad-takbo sa direksyong itinuro nung nurse patungong c.r. Nakasunod lang ako sa kanya.
"Dad? Wait?! " sabi ko ngunit di niya ako pinapansin.
BINABASA MO ANG
GHOST KO PO!
Mystery / ThrillerMHON'S HEROES SERIES #1 Third eye guy meets astral girl, at ang school na puno ng misteryo at kababalaghan. Mapapasigaw ba sila at mapapasabing "GHOST KO PO! " -mhonvondeasce09-