SCAR-Y PART 2

115 3 0
                                    

KINLEY POV

"Sino ba yun, Ate Mercy? "


Agad akong napalabas ng bahay ng sinabi ni Ate Mercy na may taong naghahanap daw sa akin. Kasunod ko naman itong nagtungo sa may gate.

"Hindi po sinabi ang pangalan eh? Pero kaibigan niyo po raw siya? " sabi ng aming kasambahay.

"Lalaki? Babae? "

"Lalaki po. "

"Ah, baka si Louie. " bulong ko sa sarili.


Nang makalapit kami sa gate ay nagpalinga-linga ako.

"Oh, Ate? Nasan? " wala naman kaming taong nadatnan dun.

"Huh? Andiyan lang po siya kanina?! Nasaan na yun? "

"Wala naman eh? Pinagtitripan mo ata ako? Ikaw talaga--- "

"Uy, Kinley?! "

"Ay?! Kabayo?! "


Nagulat ako dahil bigla na lang may taong sumulpot at nagsalita dun sa sementong gilid ng gate namin.


Nanlaki ang mga mata ko, nangunot ang noo at agad nagsalubong ang aking mga kilay.

"Ikaw?! " sigaw ko.

Ano na naman ang ginagawa ng kumag na ito dito?!


"Aray ko? Makasigaw ka naman? " sabi ng lalaki.

"Sino siya, Mam Kinley? " bulong sa akin ni Mercy.

"Wala. Di ko yan kaibigan. Manggugulo lang yan dito. "

Bumaling ulit ako sa lalaki.

"Ano ba ang ginagawa mo dito? At paano mo nalaman kung saan ako nakatira? "

"Natatandaan mo ba nung una tayong nagkita? Di ba sabi mo, labas lang iyun ng bahay niyo? " turo nito dun sa may poste kung saan kami unang nagkatagpo.

Napaisip ako.

"Oo nga pala. Eh bakit ka nga nandito? Ano na naman ang problema mo? "

"Kailangan ko kasi ang tulong mo? "

Nag-smirk ako.

"Di ba sabi ko sa'yo, wag na wag mo na akong malapit-lapitan. Kaya umalis ka na! Alis! "

"Kinley, Please? Pakinggan mo muna ako? "

"Ayoko?! Umalis ka na?! "

"Hindi ako aalis hangga't di mo ako pinapakinggan. "

"Ah ganun. "


Bumaling ako kay Ate Mercy.

"Ate Mercy. " medyo nilakasan ko ang boses ko.

"Yis, Mam. "

"Pakawalan niyo nga yung German Shepard, K-9, Pitbull, Bulldog, Siberian Husky, Labrador, Chihuahua, Shit Zu at Asong Kalye diyan sa loob at ipahabol niyo ang lalaking ito. "

"Hanep ah. May pet shop ba kayo diyan sa loob? " sabi ng lalaki.


Bumulong naman sa akin si Ate Mercy.

"Ah, Mam? Wala tayong mga alaga dito sa bahay. Di ba po allergic ang Mommy niyo sa mga balahibo ng hayop? "

"Ano ka ba? Alam ko yun, joke lang yung sinabi ko. "


Napaisip ulit ako.

"Ah, tawagin mo ang guard natin at ipakaladkad mo ang lalaking ito. "

"Ah, Mam? Wala rin po tayong Security Guard dito. Kung meron, eh di sana nilandi ko na. Hi... Hi... Hi... " bulong ulit ni Mercy.

GHOST KO PO!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon