KINLEY POV
Sayang-saya ako sa ginagawa ko.
Kahit nagsasasayaw ako sa gitna ng campus ay walang pumapansin sa akin.
Nakikitakbo ako sa mga naglalaro at hindi alintana kung mababangga nila ako.
Nakikinig sa tsismisan at nakikitingin sa mga pinagkakaabalahan ng ibang estudyante.
Nanonood sa lambingan, away at iyakan ng mag-syota.
At kumakaway sa mga nadadaanan ko kahit alam kong hindi naman nila ako nakikita. He... He... He...
B L A G !
Habang naglalakad ako ay may isang batang babae na nadapa sa harapan ko. ( di ko siya pinatid ha, baka pagbintangan niyo ako )
Nakasuot ito ng pang-kinder na uniform.
( Sa school po namin ay may kinder, elementary at high school pero magkakahiwalay po ang building ng bawat antas. Opo. Mukha lang pong maliit kung titingnan sa labas pero malawak po talaga ang SANTA TERESA PRIVATE SCHOOL, as in. Dito na po ako nag-kinder, elementary at ngayon nga ay high school. Kaya kabisado ko na rin ang bawat sulok ng lugar na ito. )
Hindi umiyak yung bata at tumayo naman ito agad. Pinagpagan ang mga alikabok na kumapit sa damit, saka ito lumingon sa pinanggalingan at ngumiti.
"Tatay, nadapa ako. " nakangiti pang sabi nito.
Ang cute naman! Sana may kapatid din akong bunso. Kaso hindi na yata mag-aanak sina Mommy at Daddy.
Kumaway muna ito sa tatay niya bago ito nanakbo ulit.
Nakatingin lang ako rito habang natakbo palayo.
Dahil ang atensyon ko ay nasa bata, di ko napapansin na madadaanan na pala ako nung tatay niya.
Buti na lang at naka-astral form ako. Tumagos yung lalaki mula sa likod ko.
( 0 . 0 ) ?
Nagtaka ako?
Hindi dahil sa tumagos siya sa katawan ko, kundi dahil sa bigla na lang kasi itong huminto sa paglalakad.
Lumingon ito ng bahagya sa kinaroroonan ko ngunit di ko pa rin kita ang kabuuan ng mukha niya. Tanging likod lang niya ang nakaharap sa akin.
Maya-maya pa ay bigla na lang itong nagsalita na ikinanganga ng bibig ko at ikinalaki ng aking mga mata.
"Sino ka? "
( 0 o 0 ) ?!
What?! Ako ba ang kinakausap niya?! Nakikita niya ako?! Pero pa'nong nangyari yun eh naka-astral form pa ako?!
Nagpatuloy na ito sa paglalakad at sinundan na ang kanyang anak habang naiwan akong nakatanga at hindi makapaniwala.
Bigla akong may naalala. Parang nangyari na ang eksenang ito?
Napaisip ako ng mabuti.
Biglang may sumagi sa isip ko.
Kwarto, usok, sunog, kama, Ako, yung katawan ko at yung lalaking duguan ang mata.
Oo tama! Naalala ko na! Yung panaginip ko kagabi.
Anong ibig sabihin nito? Hindi kaya, siya yung lalaki sa panaginip ko? Yung taong nagligtas sa katawan ko?
Ah, nakakalito?! Ano kaya kung kausapin ko ang lalaking iyon?
Oo tama, isa lang ang dapat kong gawin ngayon. Kailangan kong makilala at tanungin ang taong 'yon ukol dito. Para magkaalaman na.
Nakita kong lumiko ang mag-ama sa may hallway.
Agad akong naglakad-takbo para habulin sila.
Ngunit pagliko ko ay may sumalubong sa akin na ikinabigla ko.
Buti na lang at naka-astral form ako, kundi baka natumba na ako ng wala sa oras.
Hindi ko na gaanong pinansin yung taong sumalubong sa akin dahil naka-pokus yung utak ko dun sa mag-ama.
"Pwede ba, kung magpapakita kang multo ka eh wag sa mga palikong pasilyo. Aatakihin ako sa'yo sa puso eh. " sabi nung taong nasalubong ko.
"Ay, pasensya na po. May hinahabol lang po kasi ako. " wala sa sariling sagot ko sa kanya.
Ano ba yan? Di ko na naabutan yung mag-ama? Saan kaya sila dumaan?
( 0 . 0 ) ??
Wait lang? Ako ba ang kinausap nung lalaki?
( 0 . 0 ) ?!
Huh? Nakikita niya rin ako?
Nilingon ko yung lalaki.
"Teka lang kuya, Ako ba ang kinakausap m---- "
Lumingon din ito sa akin.
"Eh sino pa nga b---- "
( 0 , 0 ) ?!
( 0 _ 0 ) ?!
"IKAW NA NAMAN !?! " sigaw naming dalawa.
-mhonvondeasce09-
BINABASA MO ANG
GHOST KO PO!
Mystery / ThrillerMHON'S HEROES SERIES #1 Third eye guy meets astral girl, at ang school na puno ng misteryo at kababalaghan. Mapapasigaw ba sila at mapapasabing "GHOST KO PO! " -mhonvondeasce09-