SANTA TERESA PRIVATE SCHOOL
Iyan agad ang nabasa ko sa malaking arko, pagtapat ko sa may gate ng nasabing lugar.
Marami na rin akong estudyanteng nakikita na pumapasok sa paaralan na iyon.
Tumingin ako sa aking relo. 7:00 am.
Ayos. Maaga ako.
Bumuntong hininga muna ako ng malalim bago ako lumakad papasok ng paaralan.
Doon ako dumaan sa may maliit na gate na pinapasukan din ng mga estudyante.
Pagpasok ko ay bumungad sa akin ang security guard na naka-duty r'on.
Naka-upo siya sa may puting mono block. Kaharap nito ay isang maliit na lamesa.
Tumingin ako sa may kaliwa ko. Mayroong guard house na katabi ng gate na pinasukan ko.
May isang lalaki na naka uniporme din ng pang security guard ang nakatayo sa may pinto nung guard house. Nakatingin lang ito sa akin.
Ngumiti ako sa kanya at tumango bilang paggalang.
"Anong kailangan nila? " tanong sa akin nung manong guard na naka-upo.
"Sir. " sumaludo ako sa kanya. Yung saludo ni john loyd cruz kapag pumapapak ng biogesic.
"Mag-aapply po sana ako, naghahanap po daw dito ng bagong janitor? " sabi ko.
"Ah ganun ba. " nagsimula siyang magturo ng daan.
"Dumiretso ka lang dito. Tapos kumaliwa ka, may makikita kang pusang umiihi. Katapat noon, makikita mo yung principal's office. Hanapin mo si Mrs. Aerah. Siya yung in-charge sa mga cleaning personnel dito. " mahabang sabi ni manong guard.
Tinandaan ko yung sinabi niya, tapos nagpasalamat na ako.
"Sir, salamat po. " sabi ko kay manong guard na naka-upo.
"Sir, alis na po ako. " sabi ko naman doon sa guard na nakatayo sa may pinto ng guard house. Kumaway pa ako dito bago ako umalis.
Habang naglalakad ako palayo ay parang may binubulong yung manong guard na naka-upo. Hindi ko nga lang gaanong narinig.
"Sinong kinakausap at kinakawayan nun sa guard house eh wala namang tao dun? Baliw ata yun?! " bulong ni manong guard.
PRINCIPAL'S OFFICE.....
"SHII...ALIS DIYAN...TSUUPII !!!"
Bastos na pusa! Dito pa talaga umiihi sa tapat ng pinto. Walang galang.
Pagkatapos kong i-flash kick yung pusa ay binasa ko yung karatula sa may pinto.
'Principal's office'
Ito na nga iyon.
Nag-inhale, exhale muna ako bago ako pumasok.
Pagbukas ko ng pinto....
(O_O)
"A A A H H H H H ! "
"A A A H H H H H - aray?! "
Dali-dali kong sinara ang pinto.
Aray. Ang sakit ng noo ko. Ikaw ba naman batuhin ng pencil case sa noo.
Pero hindi ko naman sinasadya. Malay ko ba? Sana pala kumatok muna ako.
Nagulat ulit ako ng muling magbukas ang pinto.
Nagkatinginan ulit kami nung babae. Tapos....
"A A A H H H H! " sumigaw ulit siya. Siyempre nag duet ulit kami. Sumigaw din kasi ako.
BINABASA MO ANG
GHOST KO PO!
Mistério / SuspenseMHON'S HEROES SERIES #1 Third eye guy meets astral girl, at ang school na puno ng misteryo at kababalaghan. Mapapasigaw ba sila at mapapasabing "GHOST KO PO! " -mhonvondeasce09-