CHEALSEY POV
Present Day.....
"SWEENEY. "
Tuluyang bumagsak ang aking mga luha.
Naguguluhan man sa mga nangyayari ay buong puso ko pa ring binanggit ang kanyang pangalan.
"S-Shaun? S-Shaun, i-ikaw ba yan?? "
Nakita ko sa mga dilaw na mata nito ang pagtulo ng mga luha.
"CHEALSEY, AKO NGA. "
Dun na ako napahagulgol sa aking mga palad. Tapos ay sinigawan ko ito.
"Alam mo ba--- Alam mo ba--- Alam mo ba na---
MISS na MISS na KITA!?! "
KINLEY POV
Nagulat ako sa pag-amin na iyon nung multo.
Si Shaun iyon?? Ibig sabihin eh patay na pala talaga ito. Pero teka, alam ba ito ni Shin? Bakit parang wala yata siyang nababanggit sa akin na nandito lang pala ang kaluluwa ni Shaun?
"I-ikaw si Shaun?? Papaanong....?? " narinig kong sabi ni Mr. Mendoza.
Tapos nun ay inapakan nito sa dibdib ang matanda.
"Argh?! "
"AKO NGA! ANG TAONG WALANG AWA MONG PINADUKOT, PINAHIRAPAN AT PINAPATAY! "
Bumaling ulit ito kay Mam Chealsey.
"NATATANDAAN MO BA NUNG ARAW NG ATING HULING PAG-UUSAP?! ITONG TATAY MO ANG DAHILAN KUNG BAKIT AKO BIGLANG NAWALA?! DINALA AKO SA KUNG SAAN, BINUGBOG AT PINAHIRAPAN?! HANGGANG NGAYON AY NARIRINIG KO PA ANG MGA TAWA NILA HABANG PINAHIHIRAPAN NILA AKO?! TAPOS NUN, NANG NANAWA NA SILA SA PANANAKIT SA AKIN AY TINAPOS NILA ANG BUHAY KO?! AT KASALANAN LAHAT IYON NG IYONG AMA?! "
Hindi ko alam kung namamalik-mata lang ako. Para kasing may kung anong itim na awra ang bumabalot kay Shaun ng mga oras na iyon.
"Shaun? Alam kong malaki ang kasalanan ko sa'yo? Pero sana, bigyan mo pa ako ng isa pang pagkakataon? Patawarin mo ako sa mga pagkakamali ko? "
Umismid ito.
"PATAWARIN? MATAPOS NG GINAWA MO SA AKIN?! SA TINGIN MO AY MAPAPATAWAD KITA?! NANG DAHIL SA'YO AY HINDI KO NA MAKAKASAMA ANG PINAKAMAHALAGANG TAO SA BUHAY KO?! " napatingin si Shaun kay Mam Chealsey.
"Shaun? " sambit ni Mam.
"ALAM KONG DI NA AKO MAKAKABALIK SA PILING MO. PERO ALAM KONG HINDI KA MAGIGING MASAYA HANGGA'T KASAMA MO ANG IYONG AMA DITO SA MUNDO. KAYA NAMAN--- "
May dinukot ito dun sa bulsa ng palda ko. Nanlaki ang mga mata ko ng naglabas ito ng kutsilyo at mukhang itatarak niya iyon dun sa matanda.
"----- ISASAMA NA KITA SA IMPYERNO. KAHIT MAN LANG SA GANITONG PARAAN AY MAPASAYA KITA CHEALSEY. "
Inangat na nito ang kutsilyo para patayin si Mr. Mendoza.
"W A A A G G G G !!! " sigaw ng matanda.
"SHAUN?! WA A A G G G G !!! " sigaw naman ni Mam Chealsey.
Dun na ako kumilos, hindi ko lang alam kung gagana pero kailangan ko pa rin iyong subukan.
Susubukan kong hilahin o hatakin ang kaluluwa ni Shaun mula dun sa katawan ko.
BINABASA MO ANG
GHOST KO PO!
Misterio / SuspensoMHON'S HEROES SERIES #1 Third eye guy meets astral girl, at ang school na puno ng misteryo at kababalaghan. Mapapasigaw ba sila at mapapasabing "GHOST KO PO! " -mhonvondeasce09-