KINLEY POV
( 20 minutes ago )
"Tulungan natin si Kuya Shane?! " sabi ni Shin sa amin ni Noel.
"Papaano?? " si Noel.
"Bahala na? "
Dali-dali na silang lumapit sa kinaroroonan ni Kuya Shane na kasalukuyang nakikipagsuntukan kay Kuya Mar.
Susunod na sana ako sa kanila ng mapansin ko sa di-kalayuan na hila-hila ng katawan ko si Mr. Mendoza. Hawak niya ito sa paa at kinakaladkad patungo sa kung saan man.
"Ah, guys? " tawag-pansin ko kina Shin at Noel ( although, hindi ako nakikita ni Noel ) kaso eh medyo malayo na sila sa akin kaya di na nila ako narinig.
"Ghost ko po? San mo dadalhin yan si Mr. Mendoza. " mahinang sambit ko.
Napatingin ako kina Shin at Kuya Shane. Tapos eh dun naman sa katawan ko at kay Mr. Mendoza.
Maya-maya pa ay napagdesisyunan ko na sundan na lang ang multong sumasanib sa katawan ko. Baka kasi kung anong gawin nito kay Mr. Mendoza.
CHEALSEY POV
Habang maingat na naglalakad sa corridor ay may napansin ako sa di-kalayuan.
May taong naglalakad papasok ng gym.
Tiningnan ko pang mabuti kung sino yun. Di ko kasi siya maaninag dahil sa nakaharang ang mga buhok niya sa kanyang mukha.
Biglang nanlaki ang mga mata ko.
Di ko siya nakilala pero kilalang-kilala ko kung sino yung taong hinihila niya sa paa.
"Dad?! "
Di na ako nag-aksaya pa ng oras. Agad-agad na akong nanakbo patungong gym at sumunod kay Dad.
KINLEY POV
Pagkatagos ko nung pinto ng gym ay nakita ko na nakawala si Mr. Mendoza sa pagkakahawak ko este sa pagkakahawak sa kanya nung multong sumanib sa katawan ko.
Nakakaawang gumapang ang matanda palayo rito.
"Tu-tulong?!! " sabi nito.
Dahan-dahan namang lumapit yung multo sa kanya.
"WAG KA NANG UMASA NA MAY TUTULONG PA SA'YO. "
Dahil dun ay nag-isip na ako ng paraan para tulungan ang nakakaawang matanda.
Ow sh*t?! Anong gagawin ko?! Teka, sitahin ko kaya? O sigawan? Multo naman siya di'ba? Eh multo-kuno ako? Baka sakaling maririnig niya ako? Eh pa'no kung habulin ako? Pa'no kung ganito? Pa'no kung ganyan? Aist?! Bahala na nga?!
Bumuwelo ako para sigawan yung multo.
"HOY?! "
Nagulat pa ako ng biglang may sumigaw sa likod ko.
Nang mapalingon ako dun ay agad nanlaki ang aking mga mata.
"Mam Chealsey?? "
CHEALSEY POV
Napalingon sa akin si Dad at yung babaeng nakahawak sa paa ng aking ama.
BINABASA MO ANG
GHOST KO PO!
Mystery / ThrillerMHON'S HEROES SERIES #1 Third eye guy meets astral girl, at ang school na puno ng misteryo at kababalaghan. Mapapasigaw ba sila at mapapasabing "GHOST KO PO! " -mhonvondeasce09-