SHIN POV
"Are we going to talk about it again?! " may pagtitimping sabi ni Mr. Mendoza.
"Yes?! Until I find out where the hell he is?! At alam kong may kinalaman kayo sa pagkawala niya?! You're the only person in this earth who hate him the most?! " mariing sabi ni Chealsey.
Him? Teka, sino ba ang pinag-uusapan ng dalawang ito? Ako ba? He... He... He... Masyado naman akong asyumera.
Nacurious tuloy ako bigla.
"Don't ever talk to me like that?! Tandaan mo! I'm still your f----- " napahinto si Mr. Mendoza sa pagsasalita.
Bumuntong-hininga ito upang pakawalan ang galit na nararamdaman.
Pagkatapos ay tinalikuran nito si Ms. Chealsey. Inilagay nito ang mga kamay sa bulsa ng pantalon at tumingin sa kalangitan.
"You know what? You're just like your mother. "
Lumingon ulit ito kay Chealsey na may galit sa mukha.
"Ang kaibahan niyo lang ay mas mahal ko siya kesa sa'yo. " sabi pa nito.
Huh? Ibig sabihin eh may kabit itong si Sir at niloloko niya si Ms. Chealsey? Lintik na, gagong matanda ito ah?!
Tiningnan ko ang reaksyon ni Chealsey.
Natahimik ito at napayuko ngunit agad din naman itong nagsalita.
"Ako pa rin ba ang sinisisi niyo sa nangyaring aksidente? " gumaralgal ang boses ng dalaga na para bang iiyak na siya.
Umiwas ng tingin si Mr. Mendoza kaya tuluyan nang bumagsak ang mga luha ni Chealsey.
"Kahit di niyo sabihin, alam kong ako ang sinisisi niyo sa pagkamatay niya! Alam ko 'yon dahil lagi niyong ipinaparamdam sa akin?! Tama ba ako Dad?! Tama ba ak------ "
"Oo?! Ikaw ang may kasalanan kung bakit hindi ko na kasama ang pinakamamahal kong asawa?! Di ko alam kung bakit ikaw pa ang naging anak ko?! "
Huh? Asawa? Patay? Ibig sabihin, si Ms. Chealsey ang kabit?
Teka, bakit 'Dad' ang tawag niya dun sa matanda? Baka yun ang endearment niya kay Mr. Mendoza.
"Kung hindi dahil sa'yo, di siya mamamatay ng maaga?! Sana... Sana... Sana! Ikaw na lang ang namat----- " napatigil ulit ang matanda.
"Sige Dad?! Bakit hindi niyo ituloy?! Sabihin niyo ng harap-harapan sa akin! Siguro nga. Siguro nga kung ako ang namatay, hindi ka magkakaganyan. Baka nga natuwa pa kayo eh. "
Nagpunas ng mga luha si Chealsey.
"Pagkatapos mamatay ni Mommy, di ko na naramdaman ang pagmamahal niyo. Sana nga. Sana nga ako na lang ang namatay para hindi ang mga kaibigan ko at ang taong mahal ko ang pinapatay niyo ngayon?! "
"SHUT UP!! "
Nanlaki ang mga mata ko dahil sa ginawa ng matanda sa dalaga.
| - 0 ') !!
S L A P !
Sinampal nito si Chealsey sa pisngi.
Natigilan at tila nabigla naman ito sa nagawa.
Nakatingin lang sa kanya ang dalaga habang hawak ang pisnging nasaktan.
"Tapos na ang usapang ito! " sabi ni Mr. Mendoza.
Humakbang na ito palayo kay Chealsey. Patungo sa.....
|~ 0 ") ?!
.....kinaroroonan ko?!
"Ow, Sh*t?! " naalarma ako kaya agad akong nagkubli.
Patay?! Makikita niya ako?! Baka masisante pa ako ng wala sa oras kapag nalaman nito na nakikitsismis ako sa kanilang dalawa.
Langya, anong gagawin ko?! Kahit manakbo ako eh makikita niya pa rin ako. Sa haba ba naman ng pasilyong ito.
Kung magdadahilan naman ako? Anong idadahilan ko? Ayan kasi, tsismis pa more.
"No, Dad?! Sabihin mo muna sa akin kung nasaan si Shaun?! At titigil na ako sa pangungulit sa inyo. Titigil na rin akong maging anak niyo kung yan ang gusto niyo?! Basta sabihin mo lang kung nasa'n siya?! Please Dad, i'm begging you. Please?! " narinig kong sabi ni Chealsey.
"Sinabi ko na sa'yo, wala akong kinalaman sa pagkawala ng herodes na 'yon?! Baka sumama at nagtanan na sila ng kaibigan mo at nagpakalayo-layo! Niloko ka lang ng lalaking iyon?! "
"Di nila iyon magagawa sa akin dahil malaki ang tiwala ko sa kanilang dalawa?! "
Sumilip ulit ako ng bahagya sa kinaroroonan nila. Nakita ko na humarang si Chealsey sa daraanan ni Mr. Mendoza.
Ayos! Pagkakataon ko nang sumibat.
Ngunit pagpihit ko patalikod.....
A/N:
Baka malito kayo kung bakit mali-mali si Shin dun sa pag-intindi niya sa usapan nung dalawa.
Medyo nasa malayong parte kasi siya kaya di niya gaanong marinig yung usapan ng mag-ama.
Eh tanga pa at bingi pa, kaya ayan. Mali ang interpretasyon niya dun sa nag-uusap.
Shin: Author, may sinasabi ka bang di maganda sa akin diyan?
Ako: Wala, proceed na tayo sa part 2 ng chapter.
Shin: May sinasabi ka ata eh?
Ako: Wala nga, tatampalin kita eh.
Shin: Okay.
Ayos, lusot ulit. He... He... He...
-mhonvondeasce09-
BINABASA MO ANG
GHOST KO PO!
Mystery / ThrillerMHON'S HEROES SERIES #1 Third eye guy meets astral girl, at ang school na puno ng misteryo at kababalaghan. Mapapasigaw ba sila at mapapasabing "GHOST KO PO! " -mhonvondeasce09-