THE PROMISE PART 2

99 2 0
                                    

SHIN POV

"Ayos rin kayong tatlo ano? Gabing-gabi na pero nakuha niyo pang magsugal dito sa tabi ng kalsada? Ibang klase talaga kayo. Tsk. " sabi ko dun sa mga pasaway na lalaki.



Ito yung mga estudyanteng lalaki na balak sanang bastusin si Kinley dun sa school.

Mga wala talagang magawa ang mga lokong ito.

"Hayaan niyo na kami kuya, eto na nga lang ang libangan namin eh. " sabi nung isa.

"Anong hayaan? Bawal kaya yang ginagawa niyo? Diyan pa kayo sa tabi ng kalsada nagkakara-krus?! Alam niyo bang pulis yang kasama ko?! Gusto niyo bang ipahuli ko kayo diyan ha?! "

"Weh, pulis ba talaga yan? Patunayan mo nga? " sabi nung pangalawa.

"Ah ganun ha. "



Nagulat kaming apat ng bigla na lang nilabas ni Shane ang baril niya at tunutukan yung tatlo. Awtomatikong napataas naman ito ng mga kamay.

Agad naman akong napalapit sa lalaki.

"Uy, Sir?! Anong ginagawa niyo?! " bulong ko sa kanya.

"Ayaw nilang maniwala eh, para naman hindi na magduda ang mga iyan. "

"Ano ba kayo? Bawal kaya yang ginagawa niyo? " bulong ko ulit.

"Okay lang, bawal din naman ang ginagawa nila eh. Kaya patas lang. "

"Huh? Nasisiraan ka na ba ng bait? "

Napatingin ito sa akin.

"Wow ha? Ako pa talaga ang sinabihan mo ng nasisiraan ng bait?  Eh sino kaya sa ating dalawa ang nakikipag-usap sa poste at bigla na lang titili ng parang babae? "

Natampal ko na lang ang noo ko.

"Itago mo na nga iyan? " tukoy ko sa baril niya.

Tinabi naman niya iyon pero dinuro niya yung tatlo.

"Umayos kayo ha. " sabi pa nito.



Bumaling naman ako dun sa tatlo na ibinaba na ang mga kamay nila.

"Oh ano? Magsusugal pa  ba kayo dito? "

"Hi-hindi naman kami nagsusugal eh? Tinitingnan lang namin kung totoo yung pera kaya namin tinatalbog. " sabi nung pangatlo.

"Oo nga, tama. " sang-ayon nung dalawa niyang kasama.

"Ako pa talaga ang niloko niyo ha? Tsk. "

Napakamot na lang sa batok yung tatlo.



Teka nga? Bakit kaya itinuro ng multong iyon itong mga pasaway na ito? Ano kayang meron dito sa tatlo?

Dahil dun ay napagpasiyahan ko na tanungin ang mga ito.

"Sandali nga, kanina pa ba kayo dito? "

Nagkatinginan yung tatlo.

"Medyo? Bakit? " sabi nung una.

"Eh di nakikita niyo yung mga nagdadaan sa lugar na ito? "

Nagkatinginan ulit yung tatlo.

"Oo, bakit? " sabi nung pangalawa.

"Kung ganun, may napansin ba kayong kakaiba o kaya naman ay taong kahina-hinala ang kilos na napadaan dito? "

Nagkatinginan ulit sila.

"Meron. "



Nabuhayan ako ng loob sa sinabi nila.

"Talaga? "

GHOST KO PO!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon