CHAPTER 17: THE SHOCKING NEWS

135 2 0
                                    

KINLEY POV

SCHOOL DIRECTOR OFFICE.....

Pagkalabas ni Shin sa may office ay agad ko itong nilapitan.

Nakangiti ito at maaliwalas ang mukha na tila ay may magandang nangyari.


"Oh? Anong nangyari? Pinagalitan ka ba? " tanong ko.

"Hindi lang ako pinagalitan, tinanggal pa ako. Ha... Ha... Ha... "

"Huh? Tinanggal ka na lahat-lahat eh nakuha mo pang ngumiti at tumawa?! May sayad ka na talaga?! Tsk. "

"Ha... Ha... Ha... Sigurado na kasi ako, alam ko na ang sagot sa mga katanungan ko. "

"Huh? Eh... Teka nga, ano ba talagang nangyari ha? "

"Kanina kasi, habang naglalakad ako dito mismo sa may hallway na 'to eh nagpakita na naman sa akin yung mala-demonyong multo. "

"Ano?! Mala-demonyong multo?! "

"Oo. Eh siyempre umaga ngayon, kaya nagmatapang akong sundan yung multo. Sa pagsunod ko sa kanya eh yun nga, napadpad ako sa classroom niyo. Dun kasi siya pumasok. Malay ko bang nandun pala kayo? "




"Ah..... S-shin. "


Napalingon kami ni Shin sa may likuran namin.

"Mam?! " sabi nito kay Ms. Vista.




Lumapit ito sa kinaroroonan ng guro, napasunod naman ako dito.

"O-okay ka na ba? " tanong ni Mam kay Shin.

"Ayos lang po ako Mam. Siyanga pala, may sasabihin po ako sa inyo. "

Nagkatinginan kami ni Mam Chealsey at nagtaka.

"A-ano yun? "

"Tungkol po kay Shaun. "




Napansin ko na na parang natigilan si Mam Chealsey sa sinabi ni Shin.

"K-kay S-shaun? " nauutal na sabi nito.

"Opo. Kanina, yung multong sumakal sa akin? Si Shaun po yun. Nung una eh nagdududa pa ako kung siya nga ba talaga. Pero ng hinawakan niyo ako kanina Mam, alam niyo ban----- "

"Si S-shaun? M-multo?! " putol ni Mam sa sinasabi ni Shin.




Napansin ko na nag-iba ang timpla ng mukha nito.

"Opo, patay na po si Shaun kaya ng------ "


S L A P !


Nabigla ako sa pagsampal ni Mam Chealsey kay Shin.

Napatakip ako ng kamay sa bibig. Napahawak naman si Shin sa pisngi niya.


"Mam? " mahinang sambit ng lalaki.

Hindi naman nagsalita si Mam. Pero napansin ko na maiiyak na ito.


Tapos ay tumalikod na ito at nagsimulang humakbang palayo sa amin.


"Sandali Mam? " tawag ni Shin dito.

Huminto naman si Mam pero hindi ito lumingon.


"Ayoko nang makita ang pagmumukha mo. At wag na wag mo na rin akong lalapitan kahit kailan. " sabi nito.

Pagkasabi nun ay naglakad na ito palayo.




"Aray ko?! " saka lang ininda ni Shin yung pagkakasampal sa kanya ni Mam ng mawala ito sa paningin namin.

GHOST KO PO!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon