CHEALSEY POV
SA BAHAY NI SHANE.....
Habang nagpupunas ako ng lamesa ay di ko sinasadyang matabig ang baso na nakapatong dun.
K L A G S H !
Di ko alam pero ng mabasag yung baso ay bigla na lang akong kinabahan. Alam mo yung feeling na para bang may masamang mangyayari?
Dali-daling napalapit naman sa akin yung kasama kong nurse.
"Mam? Okay lang po kayo? " tanong nito.
"Huh? Ah, oo. Natabig ko lang yung baso? "
Dali-dali kong pinulot ang mga piraso ng bubog na nagkalat sa sahig.
"Mam? Ako na po ang maglilinis niyan? "
"Naku, ako na. Nakakahiya, nakabasag pa ako. Kaya ko na ito, pasensy--- Aray?! " inda ko ng matusok ako ng matulis na bubog na nahawakan ko.
Nang makita ko ang pagtulo ng dugo mula sa aking daliri ay kinabahan na naman ako. Bigla akong nakaramdam ng pag-aalala.
Ano ba itong pakiramdam na ito?
"Naku, Mam? May sugat kayo? Wait lang po, kukuha lang po ako ng bulak, alcohol at band aide? " sabi nung nurse ng makita niya ang sugat ko sa daliri.
Tatayo na sana ito pero bago pa man siya makaalis ay pinigilan ko na ito sa braso. Nagtaka naman yung nurse sa ginawa ko.
"B-bakit po? "
"Ah, ano kasi, P-pwede bang..... Pwede ba akong humingi ng........ Pabor sa'yo? "
Nangunot ang noo nito sa sinabi ko .
"Po? A-ano po yun? "
10 MINUTES LATER.....
Matapos gamutin nung nurse ang daliri ko ay nagtungo na kami sa likod ng bahay.
"Ahm, W-wala bang ibang sasakyan maliban dito? "
Yun agad ang tanong ko ng ipakita niya sa akin ang isang single na motor na nakaparada doon.
"Ah, wala po eh? Ito lang ang gamit ko papunta dito. Si Kuya Shane lang ang may kotse kaso gamit naman niya ngayon. Kung lalakarin niyo naman po mula rito eh aabutin pa kayo ng 20 or 30 minutes bago kayo makarating sa bayan. Wala na rin pong gaanong dumadaan na jeep o traysikel dito lalo na pag mga ganitong oras. Mahirap po talaga ang transportasyon sa lugar na ito. " mahabang sabi nito.
"Ganun ba. " dismayadong tugon ko.
Mukhang wala na akong choice kundi ang motor na ito. Ay ano ba yan?
"O-okay sige, turuan mo na lang ako kung paano gamitin ito. "
"Hindi po ba kayo marunong mag-motor? "
"Hindi eh? Kotse lang ang natutunan kong paandarin. "
"Ganun po ba, wag po kayong mag-alala. Madali lang yan. "
Bago kami magsimula ay pinahiram niya ako ng helmet at pinasuot ng kung anu-anong protective gear sa braso, kamay at sa tuhod ko.
Tapos nun ay sumakay na ako sa motor. Saka niya ako sinimulang turuan ng dapat gawin.
"Okay po Mam, ang una po eh yang pong hinahawakan niyo sa kanang kamay niyo ang silinyador. Kailangan niyo pong pihitin ito ng dahan-dahan para po umandar kayo. Hindi niyo po siya pwedeng itodo ng pihit, baka kasi tumilapon kayo. "
BINABASA MO ANG
GHOST KO PO!
Mystery / ThrillerMHON'S HEROES SERIES #1 Third eye guy meets astral girl, at ang school na puno ng misteryo at kababalaghan. Mapapasigaw ba sila at mapapasabing "GHOST KO PO! " -mhonvondeasce09-