CHARLIE POV
"Di ko alam na may tinanggap pala akong traydor sa paaralan ko? " sarkastikong sabi ko sa taong iyon.
Ngumisi ito.
"Bakit? Di mo ba inaasahan na ang mabait na asong pinapasok mo sa bakuran mo, inalagaan at pinakain ang siya ring sasakmal sa'yo? "
Sarkastikong ngiti ang isinukli ko sa sinabi niya.
Lumapit ito at nag-squat ng paupo sa harap ko.
"Ang tagal kong inantay ang pagkakataong ito. Na sa kamay ko mismo mamatay ang taong pumatay sa anak ko?! "
"Anak?? Sino? si Shaun?? "
Ito naman ang sarkastikong ngumiti sa akin.
"Mukhang marami ka nang pinatay kaya di mo na matandaan ang ibang biktima mo?? "
Nangunot ang noo ko.
"Limang taon... "
Tinakpan niya ng kamay ang kanyang mga mata, tapos ay bigla na lang itong umiyak.
"Limang taon akong nakulong sa isang kasalanan na sobra kong pinagsisihan. Sabi ko sa sarili ko, kapag nakalaya ako ay babawi ako sa pamilya ko. Sa asawa ko lalo na sa prinsesa ko?! "
Prinsesa? Unti-unti ay may bumubuo sa isip ko. Mukhang alam ko na kung sino ang tinutukoy nito.
"Nangako ako na kapag nakalaya ako ay babawi ako sa kanya?? Babawi ako sa mga taon na hindi niya ako nakasama at nakapiling?? " patuloy nito habang umiiyak.
Habang nagsasalita siya ay pasimple kong tiningnan kung saan bumagsak yung baril ko.
"Pero di ko na matutupad ang pangako ko sa anak ko dahil.....??
Dahil pinatay mo siya?! " galit na sigaw nito.
B O G !
Bigla ako nitong sinuntok sa mukha. Naramdaman ko agad ang pagdugo ng labi ko.
"Nang mapag-alaman ko na suspek ka sa pagkawala ni Shaun ay agad ko nang naisip na siguro ay may kinalaman ka rin sa pagkawala ng aking anak?! "
"Kaya mula noon ay minanmanan na kita. Mukhang umaayon sa akin ang pagkakataon nung naghanap kayo ng bagong security guard dito sa lintek na paaralang ito. Kaya dun ako bumuo ng plano. Hahanap ako ng tiyempo para patayin ka?! Tulad ng pagpatay mo sa anak ko?! "
Tumawa ako.
"Ha... Ha... Ha... Sigurado ka ba na ako nga ang pumatay sa anak mo?! May ebidensya ka ba?! "
Ito naman ang tumawa.
"Siguro wala nga, pero may ebidensya ako, hindi para sa anak ko. Kundi para kay Shaun. "
Tapos nun ay may dinukot siya sa kanyang bulsa at ipinakita sa akin na labis kong ikinabigla.
"Ito, siguro isa itong matibay na ebidensya laban sa'yo. "
"Bakit nasa iyo yan?! Paano mo yan nakuha?! "
Ngumisi ulit ito.
Tapos ay may nilagay siyang papel sa dibdib ko.
"Basahin mo. "
Nang binuklat ko yung papel ay nanlaki ang aking mga mata sa sobrang pagkabigla.
"I-ikaw?! "
"Ako nga. " sarkastikong sabi nito.
Siya pala iyon, ang sira-ulong nang-bablack mail sa akin.
BINABASA MO ANG
GHOST KO PO!
Mystery / ThrillerMHON'S HEROES SERIES #1 Third eye guy meets astral girl, at ang school na puno ng misteryo at kababalaghan. Mapapasigaw ba sila at mapapasabing "GHOST KO PO! " -mhonvondeasce09-