SHIN POV
Oo nga pala, may nakalimutan akong sabihin sa inyo.
Alam niyo ba na may kakaiba sa akin?
Nagkaroon ako ng pambihirang kakayahan mula ng maaksidente ako. Simula noon ay nakikita ko na SILA.
Sila na hindi nakikita ng ordinaryong tao kundi ako lang.
SA SCHOOL.....
First day ng trabaho ko bilang janitor. Siyempre maaga akong pumasok.
Pagpasok ko ng gate ay agad kong binati yung dalawang gwardiya.
Yung naka-upong guard ay tumango habang yung nakatayo naman sa may pinto ng guard house ay nakatingin lang sa akin. Weird?
Nakakatakot yung mga tingin niya. Lagi pati siyang nakatayo roon. Hindi ba siya nangangalay?
Aist! Bakit ba ako nangangaelam? Trip niya iyon eh. Walang basagan ng trip. Makapasok na nga sa loob.
Habang naglalakad ako ay nakasalubong ko si Mam Aerah.
"Good morning po Mam. " bati ko.
"Good morning din Shin... Oh.... Teka?! Anong nangyari sa pisngi mo? " napansin ni Mam yung mga pasa ko sa magkabilang pisngi.
Hindi ko naman pwedeng sabihin na sinapak ako ni Ms. Vista dahil sa nakita ko yung pink na bulaklakin na panty nito.
"Wag mong sabihing nakipag-away ka? " tanong ni Mam.
"Ah, hindi po Mam. Di po ako mahilig makipag-away. Uso lang po ito ngayon. Di po ba si Pikachu may ganito? Kulay pula nga lang. Yung akin po kulay itim. " biro ko.
"Sino si pikachu? " taka ni Mam.
"Ah. Wala po iyon. Saan na po ba ako magsisimula ng trabaho?" Pag-iiba ko ng usapan.
Baka kasi humaba pa ang usapan tungkol kay pikachu.
"Ahm.... Well.... Pumunta ka sa General Services Room. Katabi lang siya ng canteen kaya madali mo lang iyong makikita. Tapos hanapin mo si Noel. Binilin na kita sa kanya. Siya na ang magtuturo sa'yo ng mga dapat mong gawin. " mahabang paliwanag ni Mam.
"Salamat po Mam. "
"O siya, sige at may lalakarin pa ako. Pakasipag ka ha. "
"Yes, Mam. "
Pagkaalis ni Mam ay nagtungo na ako doon.
Habang naglalakad ay nagmasid-masid ako sa paligid.
"Infairness, ang ganda ng school na ito. " puri ko pa.
Dahil hindi ako nakatingin sa dinaraanan ay hindi ko napansin ang isang batang nananakbo patungo sa direksyon ko.
Huli na nang mapaharap ako sa bata at....
W O O O S S H H !
Bigla po akong napatigil. Nanlaki rin ang aking mga mata.
Dahil imbes na bumangga sa akin yung bata ay tumagos ito sa katawan ko.
Parang sinalubong ako ng isang malamig na hangin na nagpatayo sa mga balahibo ko sa katawan.
Oh sh*t! Nanay ko po! Pati ba naman dito?!
Dahan-dahan akong lumingon sa aking likuran.
( O . O ') ?!
Nandun sa likuran ko yung bata. Nakatayo ito ng patalikod sa akin.
Lalo na akong natakot nang unti-unti itong lumingon sa akin. Nanakbo na ako bago ko pa makita ang mukha nito.
( takbo. takbo. )
BINABASA MO ANG
GHOST KO PO!
Mystery / ThrillerMHON'S HEROES SERIES #1 Third eye guy meets astral girl, at ang school na puno ng misteryo at kababalaghan. Mapapasigaw ba sila at mapapasabing "GHOST KO PO! " -mhonvondeasce09-