CHAPTER 6: THEY MEET

192 5 0
                                    

SHIN POV

"P * * * T T A A A!!! "

Opo, napasigaw na ako. Inilabas ko na ang nadarama kong takot sa aking sarili.

Ikaw ba naman makaranas ng ganun ay talagang mapapamura ka. Baka maihi ka pa sa salwal. Buti na lang naka-pampers ako. Joke.

Takbo ako ng takbo hanggang sa makalabas ako ng mundo. Joke ulit.

Hindi ko na kasi alam kung saang lupalop na ako napunta. Basta marami nang bahay at may mga ilaw na. Good.

Naglakas-loob na akong lumingon sa aking pinanggalingan. Wala nang sumusunod sa akin. Buti naman!

Ha... Ha... Ha... Ha... Ha... Ha... Ha...

Sandali nga lang, para naman akong baliw nito. Kanina lang eh takot na takot ako, ngayon naman tawa ako ng tawa.

Magpatingin na kaya ako sa Psychiatrist. Malala na yata ang tama ko sa ulo. He... He... He...

Huminto na ako sa kakatakbo at nagpahinga.

Lumawit na kasi ang dila ko sa sobrang hingal. Siguro pag may nakita akong kanal eh didila muna ako ng konting tubig doon.

Halos nakahawak na ako sa aking mga tuhod habang nakayuko.

"Kuya, okay ka lang ba? "

"Ay putakte! Ate naman. Wag kayong manggugula-----. A A A H H H H !!! "

"A A A H H H H !!! "

"A A A H H H H !!! "

"A A A H H H H !!! "



( after 1 hour ng sigawan namin nung babaeng bigla na lang sumulpot sa kung saan )

"Teka nga, bakit ka ba nasigaw?! " sabi ko.

"Nasigaw ka rin eh. " sabi niya.

"Natural, natakot ako sa'yo. "

"Huh? Bakit ka naman matatakot sa akin? Mukha ba akong multo?! " nakapameywang na sabi nito.

Ayos ah? Sa lahat ng multong na-encounter ko , itong babaeng ito ang unique. Ang sungit pati.

"Teka lang, hahabulin mo rin ba ako? " tanong ko sa kanya.

"Huh? Bakit ko naman gagawin iyon? Hindi ako nanghahabol ng BALIW? " sagot niya.

"Ah ganun ba. Buti naman. Napapagod na kasi ako. Gusto ko munang magpahinga. Teka? Sinong tinatawag mong BALIW?! "

"Eh di ikaw, sino pa nga ba. Alangan namang ako. "

Ang taray naman nito.

"Hindi ako baliw ha. Matino ako. " depensa ko.

"Ah ganun ba. Akala ko baliw ka eh. Takot na takot ka kasi, tapos bigla ka na lang tatawa. Di ba sintomas yun ng pagiging baliw? "

"Sabagay, tama ka. "

"Takbo ka pa ng takbo eh wala namang humahabol sa'yo. Aha! Siguro nakawala ka sa Mental 'no? "

Aba't atribidang multo ito ah?! Pagkamalan ba naman akong sira-ulo.

Okay lang Shin. Relax ka lang. Yung BP mo, tumataas. Wag mo na lang patulan. Kahit papaano eh babae pa rin iyan.

"Okay Miss, Hindi ako nakawala sa Mental Hospital. Talagang may humahabol sa akin kaya ako natakbo. " malumanay kong paliwanag.

"Ah..... Eh sino o ano naman ang humahabol sa'yo? Wala naman akong nakikita. "

"Ano pa. Eh di mga kauri mo. "

GHOST KO PO!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon