CHAPTER 21: TRAGEDY

125 1 0
                                    

CHEALSEY POV

/ flashback /

2008...

"Ma, nandito na po ako. " sabi ko pagkapasok sa kwarto ng aking ina.

"Oh, baby. Nandito ka na pala. "


Naabutan ko itong naglilinis ng kwarto nila ni Daddy. Nakaupo siya sa kama at nagpupunas ng mga gamit na naalikabukan na. Naupo naman ako sa tabi niya.

"Si Mama naman eh, di na ako baby. Dalaginding na itong anak niyo. "

"Ay naku, kahit 16 years old ka na o umabot ka pa ng 50 years old. Mananatili pa rin kitang baby girl ko, tandaan mo yan. " ngumiti ito sa akin.

Napangiti ako at napayakap sa Mommy ko.

"Naku anak, wag mo na muna akong yakapin at baka madumihan ka. Puro alikabok ako oh. "

"Teka nga, Ma? Bakit kayo ang gumagawa niyan? Nasaan ang mga katulong natin? "

"Inutusan ko kasing mamili yung isa. Yung isa naman eh naglalaba sa baba. Wag kang mag-alala anak, kaya ko naman ito. Atsaka mga importanteng gamit kasi ito, alam mo naman na ayaw ng Daddy mo na may ibang gumagalaw sa gamit namin. "

"Sabagay, ganun nga si Dad. "

Nagkangitian kami ni Mommy.

"Sige Ma, ako na lang ang tutulong sa inyo. "

"Talaga? Ang bait talaga ng baby ko. "

"Si Mama naman eh, di na nga ako bab--- "


Napatigil ako dahil pagtayo ko ng kama at paglakad ko ay may nasipa akong isang bagay. Agad ko iyong pinulot at pinagpagan.

Lumang picture iyon ni Mommy at Daddy, magkayakap sila at nakaupo sa isang malaking bato habang ang background nila ay isang napakagandang waterfalls.

"Ma? "

"Oh? " napatingin ito sa akin.

Napaupo ulit ako sa tabi niya.

"Ma? Bakit ngayon ko lang yata nakita ang picture na'to? "

"Huh? Patingin nga? "


Iniabot ko iyon sa kanya. Agad itong napangiti ng makita ang picture.

"Ah, ito ba? Nakakatuwa naman. Dalaga pa ako dito oh. "

"Kailan yan, Ma? "

"Eto. " napabuntong-hininga ito ng nakangiti.

"Ahm, April 14, taong 1992 ata? Ito yung nagbakasyon kami ng Daddy mo sa isang probinsya. Kasama nga namin ang mga tita mo eh. Tapos dinala nila kami sa isang napakagandang waterfalls. Akala ng Daddy mo eh isang simpleng bakasyon lang ang mararanasan namin. Pero ang di niya alam, may maganda akong sorpresa sa kanya. "

"Ano yun? "


Napatingin ito sa akin.

"Ikaw. "


Pagkasabi niya nun ay marahan nitong hinawakan ang kamay ko.

"Di niya kasi alam na 2 months na pala akong buntis sa'yo. Loko-loko nga ang Daddy mo eh, nagtatatalon at nagsisisigaw ba naman nung sabihin ko. " natatawang kwento nito.

"Sa 4 years kasi naming marriage, akala namin eh di na kami magkakaanak. Nagbabalak na nga kaming mag-ampon nun pero binigay ka sa amin ng diyos. " hinaplos ako nito sa chin.

"Kaya sabi sa akin ng Daddy mo, hinding-hindi niya raw makakalimutan ang araw na yun, lalo na yung falls. Sa sobrang tuwa niya nga eh, naisipan ba namang ipinta ako. "

GHOST KO PO!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon