THEY MEET PART 2

161 3 0
                                    

KINLEY POV

"W E I R D O "

Yun na lang ang tanging nasabi ko sa kabaliwan ng lalaking iyon.

Pero gusto ko ring maniwala sa kanya. Siya lang kasi ang bukod tanging nakakakita sa akin. Nakipag-usap pa nga.

Kung gayon ay nakakakita nga ito ng hindi nakikita ng isang ordinaryong tao. Nakakatakot naman yun, Yaikkss!?!

Buti na lang at hindi ko sila nakikita. Maigi na rin siguro na ganito lang ang nangyari sa akin.

Teka? Ano nga ba ang nangyayari sa akin? Sure naman ako na hindi pa ako patay. Humihinga pa nga ang katawan ko eh.

Hindi ko lang talaga maipaliwanag ang mga kababalaghang tulad nito.

Haist.... Makauwi na nga sa bahay at makabalik na sa katawan ko.

Grrrr... Ang lamig naman.

Teka, multo nga ako di ba? Bakit ako nilalamig? Ang weird naman.

Nahahawa na yata ako ng kawerduhan ng lalaking iyon. Tsk.

Atsaka, oo nga. Hindi nga pala ako multo. Anghel nga pala ako ni San Pedro. He... He... He...






AUTHOR'S POV

Ehem... Ehem...

Ahm, Hi?! Naks naman oh! Pati author nakiki-POV pa. Gustong umeksena sa istorya. He... He... He...

Ang piling.

Well, anyway. May note lang ako sa inyo.

Hindi alam ni Kinley na nakapalibot sa kanya yung mga multong humahabol kay Shin. Kaya siya nilamig.

Imposible ba? Eh ganun ang gusto kong mangyari sa istorya. Wapakelz na lang okay?



Mabuti na lang at hindi iyon nakikita ni Kinley. Baka ngumawa ito at maihi sa takot. He... He... He...

"Author, may sinasabi ka ba diyan? " si Kinley.

"Ah, wala-wala. Proceed tayo sa story. "

"May sinasabi ka yata tungkol sa akin eh? "

"Wala nga, ang kulit. Umuwi ka na sa inyo. Sige na. Bilis. "

"Okay, fine. "

Whew. Kala ko mangungulit pa. Buti na lang at hindi ako gaanong narinig.

Continue na nga tayo sa story.






KINLEY POV

Nang pabalik na ako sa bahay namin ay natanaw ko na agad na nakaparada na ang kotse ni Daddy sa tapat ng gate namin. Ibig sabihin ay nakauwi na ang aking mga magulang.

Naku patay! Kailangan ko nang pumasok sa bahay at magtungo sa aking kwarto. Bago pa man may maunang pumunta doon.

Binilin ko pa naman kay Manang na gisingin ako kapag dumating na sina Mommy at Daddy.

Kapag natuklasan ni Manang na walang malay ang katawang tao ko ay siguradong magpa-panic ito at hihingi ng tulong sa mga magulang ko.

Baka dalhin pa ako sa hospital at matuluyan na akong hindi makabalik sa katawan ko. Scary?!

( iling. iling )

"Ah ano ba itong iniisip ko? Hindi pwedeng mangyari 'yon. Kailangan ko nang magmadali. " sabi ko sa sarili ko.

Kaya dali-dali akong natakbo patungo sa loob ng bahay.

Hindi naman ako nahirapang dumaan dahil tumatagos lang ako sa lahat ng bagay.

GHOST KO PO!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon