SHIN POV
Pagkapasok ko pa lang ng GS Room ay bumungad na agad sa harapan ko ang nilalang na iyon, pero nakatalikod naman ito sa akin.
Natatakot ako pero tinatagan ko pa rin ang loob ko dahil kailangan kong makausap ang multong iyon.
"S-salamat sa'yo at na-nalaman namin kung n-nasaan si Kinley. "
Opo, siya po yung multong nakita at nakausap ko sa daan. Yung tumuro dun sa tatlong pasaway na estudyante.
Napabuntong-hininga ako.
"A-alam ko na rin ngayon kung bakit itinuro mo yung nakapaskil na 'Wanted: Janitor' sign dun sa poste nung naghahanap ako ng trabaho dati. Kung bakit gusto mo akong pag-aplayin dito sa paaralang ito. "
Walang reaksyon ito, ako naman ay pawis na pawis na sa sobrang nerbyos.
"G-gusto mong tulungan kita, Gusto mong tulungan ko...
...si Chealsey?! "
Napalingon ito ng bahagya sa akin, napalunok naman ako.
"K-kilala na kita, i-ikaw yung babaeng nagpakita sa akin sa hallway nung unang araw ko dito sa school. "
Bigla na lang nagpatay-sindi ang ilaw sa kwartong iyon. Kahit nakasara ang pinto ay may malakas na hangin na dumampi sa aking buong katawan.
"I-ikaw rin ang bumubulong sa akin sa tuwing magkakatagpo at magkakausap kami ni Mam....
.....SA HALLWAY?? "
"Haist! Kawawa na siguro ang asawa mo sa'yo. Laging bugbog sarado. "
"W-wala... A-akong... A-asawa. "
"Eh di boyfriend. Siguro kawawa na sa iyo yung malas na lalaking iyon. Buti hindi ka iniiwan. "
".....SA TAPAT NG SCHOOL DIRECTOR OFFICE?? "
"Alam niyo Mam, maganda sana kayo kapag hindi kayo nagsusungit at nakasimangot. "
".....AT NUNG GABING NASA PARK KAMI NI CHEALSEY?? "
"Ah, Mam? Tahan na. Sige ka? Kapag umiyak ka ng umiyak, papanget ka? Magiging kamukha niyo si Noel? Gusto niyo ba yun? "
"Sa tuwing may binubulong ka sakin ay may kakaibang ikinikilos si Mam Chealsey. Siguro narinig na niya iyon sa iba o sa isang taong importante sa kanya. Ang mga salitang iyon ay linyahan ng isang lalaki. Malamang si Shaun ang taong iyon. "
"Hindi ka si Shaun pero alam mo ang mga sinasabi ni Shaun kay Chealsey. Isa lang ang naiisip kong dahilan, kinukwento siguro sa'yo ni Mam ang mga bawat gawin o sabihin ni Shaun sa kanya. Bakit? Kasi ikaw....
"..... ikaw ang BESTFRIEND niya?! "
Pagkasabi ko nun ay tuluyan nang humarap sa akin ang nakakatakot na nilalang na iyon.
Ang babaeng multo na luwa ang mata at may hiwa sa leeg.
Napaiwas ako ng tingin sa kanya.
"T-tama ako di ba?? I-ikaw ang bestfriend ni Chealsey?? I-ikaw si.....
..... Ikaw si MAY?! "
KINLEY POV
B A N G ! B A N G ! B A N G !
Habang nagkukubli ako sa mga sirang bangko dun sa bodega ay nakarinig ako ng mga putok ng baril.
BINABASA MO ANG
GHOST KO PO!
Mystery / ThrillerMHON'S HEROES SERIES #1 Third eye guy meets astral girl, at ang school na puno ng misteryo at kababalaghan. Mapapasigaw ba sila at mapapasabing "GHOST KO PO! " -mhonvondeasce09-