CHAPTER 29: DEAD END

146 1 0
                                    

CHEALSEY POV

"Ma-maraming salamat po? " sabi ko kay Mang Rey ng maihatid niya ako sa tapat ng School.

"Salamat din po sa inyo. " sabi ko naman dun sa matandang babae na nagbigay sa akin nung tinapay. Sumama din ito para alalayan ako.

"Sigurado ka ba na tutuloy ka? Baka mapahamak ka diyan? Gusto mo bang tumawag kami ng mga pulis? " si Mang Rey.

"Nagpatawag na po ako sa mga kasama ko ng mga pulis kaya wag na po kayong mag-alala. "

"Ganun ba? "

"Basta, mag-iingat ka iha? " sabi naman nung matandang babae.

"Wag po kayong mag-alala, kaya ko po ang sarili ko. Salamat po ulit sa inyo. Sige po, papasok na ako. "

"Sige. "




Papasok na sana ako sa loob ng lingunin ko ulit si Mang Rey.

"Ah, Mang Rey? "

"Oh? "

"Pa-pasenya na po pala kayo kanina ha? Medyo ano lang kasi ako nga--- "

"Sus wala yun, naiintindihan naman kita. Ang mahalaga naman eh naibalik itong pedikab ko sa akin. Basta mag-ingat ka na lang diyan sa loob. "

"O-opo. Salamat ulit. "

Tumango ito sa akin.




Tapos nun ay nagmamadali na akong pumasok sa gate at hinanap na ang mga kaibigan ko.









MANG REY POV

Pagkapasok na pagkapasok nung babae sa loob nung school ay umalis na rin ako pabalik sa paradahan.





Habang nagpepedal ay nakipagkwentuhan ako dun sa matandang babaeng sakay ko.

"Sa tingin mo? Okay lang kaya si Mam doon? "




Hindi ito tumugon.




"Hindi kaya siya mapahamak? "




Hindi pa rin ito tumugon.




Kung anu-ano na ang sinabi ko pero hindi pa rin siya nagsasalita. Di ko naman siya nililingon dahil mas tuon ang isip ko sa daan at sa pag-aalala dun sa guro.





Hanggang sa mapansin ko na nga ang pagiging tahimik nito.

"Wala ka man lang bang sasabihin tungkol dun sa babae. " saka ko siya nilingon.




( o , o ') ?!




Bigla akong napapreno.

Teka lang? Nasaan na yun?? Andito lang yun ah?? Bumaba ba siya kanina?? Pero hindi eh, kung bumaba siya eh sana makikita at mapapansin ko yun?? Nagpaiwan din ba siya sa school?? Malabo?? Sakay ko pa rin siya nung umalis kami dun?? Saan na ba napunta yun??!




Sumilip pa ako sa ilalim ng pedikab. Baka kasi usap ako ng usap kanina eh tumalon na pala ito at nakaladkad ko na.

Pero wala rin siya dun.




Luminga rin ako sa aking pinanggalingan. Baka kasi naiwan ko nga.

Pero di ko rin siya natanaw.




Nagpalinga-linga ako sa paligid pero wala siya talaga.




Nahintakutan na ako ng makaramdam ako ng malamig na hangin na dumampi sa buong katawan ko.

GHOST KO PO!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon