TROUBLE PART 2

110 3 0
                                    

SHIN POV

Pagkalabas namin ni Mam Aerah ng office ay agad akong nagpasalamat rito sa ginawa nitong pagtatanggol sa akin.


"Ah, Mam. Thank you nga po pala. " sabi ko.

"Wala yun, Shin. Basta tandaan mo yung pangako mo na hindi ka na gagawa ng gulo ha? "

"Makakaasa po kayo, Mam. "

"Oh siya, maiwan na kita at marami pa akong gagawin. Saka na natin pag-usapan yung parusa mo. "

"Sige po, Mam. Thank you po ulit. "

"Okay. "




Pag-alis nito ay nilapitan ko naman si Noel na kanina pa nag-aantay sa akin.

"Noel, pasensya na kung natagalan ako. " sabi ko rito.

"Okay lang, eh anong nangyari? Napagalitan ka ba? Nasisante ka ba? " tanong nito.

Hindi ito lumilingon sa akin. Nakatingin lang ito sa malayo habang nag-uusap.

"Eh di ayon, napagalitan ako pero hindi ako tinanggal. Binigyan pa ako ng isa pang pagkakataon. Salamat kay Mam Aerah. "

"Eh yung mga nagreklamo? "

"Siyempre, mga nagalit. Humingi na ako ng sorry. Pero hihingi pa ulit ako ng tawad sa kanila. "

"Ganun ba. Eh sa akin? Hindi ka ba hihingi ng sorry? "

"Huh? "


Saka lang ito lumingon sa akin na parang maiiyak.

"Walang hiya ka?! Tingnan mo nga itong ginawa mo sa akin?! " itinuro nito yung isang mata niyang may black eye.


Saka ko lang naalala. Nasuntok ko nga pala itong si Noel kanina dahil sa takot.

Maglagay ba naman kasi ng napakaraming facial cream sa mukha. Akala ko tuloy multo.


"May galit ka ba talaga sa akin?! Sinisira mo ang kagwapuhan ko?! Ikaw ha, nakakadalawa ka na sa akin?! Pag hindi ako nakapagtimpi..... Naku?! "

"S-sorry Noel, hindi ko naman talaga sinasadya. Nagulat lang kasi ako? Patawarin mo na ako? "

Hahawakan ko sana siya pero tinabig niya ang aking kamay.

"Don Tats Mi?! " sabi nito.

"Ikaw naman, wag ka nang magalit. Ang cute mo pa rin kaya. " sabi ko habang pinipisil ang pisngi nito.

Tinampal ulit nito ang kamay ko.

"Wag mo na akong bolahin. Hindi ako madadala sa ganyan?! "

"Okay, sige. Mamaya pagtapos na ang trabaho natin. Lalabas tayo at hahanap ng chicks para sa'yo. "


Napansin ko na umaliwalas ang mukha nito.

"Talaga? "

"Oo, promise. "

"Sabi mo yan ha? Okay sige, pinapatawad na kita. "

"Naku, salamat. Oh pa'no, Trabaho na tayo? "

"Sige... Sige... Sige... "


Nang umalis ito ay napailing na lang ako. Medyo uto-uto lang kasi itong si Noel. He... He... He...


Ay, ano ba yan? Ang daming oras na pala ang nasayang ko? Kailangan ko nang magtrabaho.

Tama na muna ang mga kababalaghan ngayong araw na ito. Pokus muna ako sa mga dapat gawin.


Naka-ilang hakbang din ang nagawa ko bago ako napatigil.





SA ISANG CLASSROOM.....

KINLEY POV

Habang nagkaklase kami sa subject ni Ms. Vista ay bigla na lang bumukas ang pinto ng room namin.

B L A G !


Nagulat ang lahat pero ang MAS nagulat ay ako.

Anong ginagawa ng lalaking ito dito?!

At bakit parang may hinahanap siya? Nasisiraan na ba talaga ng bait ang taong 'to?!

Oh god?!



MS. CHEALSEY POV

"Now, find the quadratic formula of x² + 4x------ "

B L A G !


"Ay! Kalabaw?! "

Nagulat ako dahil bigla na lang may bumukas ng pinto ng pabalibag.


What the hell?! Ano na naman ang problema ng isang 'to?!

Napansin ko na parang nagulat din siya sa amin.


"HOY?! Ikaw?! Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?! " bulyaw ko rito.

"Po? "

"Oh my god?! Bingi ka ba?! Sabi ko, ano sa tingin mo ang ginagawa mo?! Alam mo bang nakakagulo ka?! Nagkaklase kami dito?! "

"Sorry po Mam. May hinahabol lang po..... May pumasok po ba dito? "

"OO, IKAW?! At parang gusto mo pang sirain yang pintuan namin. Umalis ka na bago ko pa ipaalam sa office ang kalokohan mong ito?! "

"Maliban sa akin, wala po bang ibang pumasok dito? "

"Huh? Ano bang pinagsasasabi mo? Umalis ka na sabi?! "

"Opo, opo. Sorry po, pasensya na sa abala. "


Lalabas na sana ito ngunit agad din naman itong napahinto. Ang ipinagtaka ko ay dahan-dahan ding nagsara yung pinto.

"S-shin? " tawag ko rito.

"Sh*t?! " narinig kong sabi nito.


B L A G !


Nagulantang kaming lahat sa nasaksihan.


Yung janitor naman ang bumalibag sa may pisara. Tapos ay para bang may sumasakal sa kanya na hindi ko nakikita.

Maya-maya pa ay dahan-dahan na itong umaangat sa sahig.


"A A A A A H H H H H H !!! "


Nagsigawan at nagtakbuhan ang mga estudyante ko sa labas ng room ngunit ako ay parang natuod sa kinatatayuan ko.

Tila na-blangko ako sa nangyayari. Ngayon lang kasi ako nakasaksi ng ganito.


Natauhan lang ako ng makita kong lumapit kay Shin ang isa sa mga estudyante ko at pilit tinutulungan ang lalaki.


"Kinley?! Wag kang lumapit?! Baka mapahamak ka?! " sabi ko rito.

"Mam, tulungan natin siya. " pakiusap nito sa akin.


Kahit na natatakot ako ay tinatagan ko ang sarili ko at lakas-loob na lumapit sa kanila.

Nakahawak si Kinley sa may kanang braso kaya naman hinawakan ko ito sa may kaliwang braso.

Nakaramdam ako ng kakaibang lamig sa balat nito. Napansin ko rin na napatingin sa akin si Shin.

Tapos nun ay sabay naming hinila ang lalaki pababa, nahila naman namin siya. Napaupo ito sa sahig habang hinihimas ang kanyang leeg.


"Shin? Okay ka lang ba? " tanong ni Kinley dun sa janitor.

Tumango ito kahit na umuubo pa.


Maya-maya pa ay may nagbukas ulit nung pinto.

Bumungad sa amin ang mga guro, yung security guard, mga estudyanteng nakadungaw sa may bintana, si Mam Timedra at ang aking ama.


Taka at gulat ang mga rumehistro sa kanilang mga mukha.


Maliban na lang sa ama ko na tila hindi nagugustuhan ang nangyayari.

Bumaling ito sa janitor at sinabing.....


"To my office, now. "






-mhonvondeasce09-

GHOST KO PO!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon