SHIN POV
Iisa-isahin pa natin ang mga nangyari matapos ang insidenteng iyon:
Nakatanggap ng tawag mula sa Nurse si Kuya Shane. Excited na binalita nito na nagising na daw si Shaun. Nang sinabi naman ni Kuya Shane kay Chealsey ang balita ay nagkukumahog itong puntahan ang nobyo. Ang landi talaga.
Nagsidatingan naman ang mga magulang nila Kinley, Lona, Louie at Princess. Buti na lang talaga at walang napahamak sa mga ito.
Pagdating ng lunes ay nagkaroon ng meeting para sa mga magulang at estudyante kaugnay dun sa nangyari sa school nung nakaraang biyernes.
May mga magulang kasi na nag-aalangan na, na papasukin o i-enroll pa ang anak nila sa STPS. Natakot kasi ang iba sa seguridad ng kanilang anak.
Kinumbinsi naman nila Ms. Aerah at ang bagong School Director na si Chealsey na walang dapat katakutan at makakasiguro sila na ligtas ang mga anak nila dito sa STPS. Dinagdag nila na wala namang kasalanan o kinalaman ang School at biktima rin ito sa mga nangyari. Sinabi rin nila Mam na sisiguruhin nila na hinding-hindi na ito mauulit.
Ang hindi nga lang nila binanggit ay ang tungkol kay Mr. Mendoza.
Sa huli, matapos ng meeting na iyon ay may iilang magulang na inilipat ang kanilang anak sa ibang school ngunit mas marami pa ring nanatili at nagtiwala sa STPS.
Matapos din ng araw na iyon ay unti-unti nang nanumbalik sa normal ang lahat.
SA GENERAL SERVICES ROOM.....
"Buo na ba talaga ang desisyon mo? " tanong sa akin ni Noel.
"Oo eh, tsaka may importante akong gagawin kaya paalam na muna sa ngayon. "
"Ano ba kasi yang importanteng gagawin mo? I-share mo naman? "
"Secret eh, pasensya ka na? "
"Sige na nga, basta balik ka dito ha? "
"Oo naman. "
Medyo kinilabutan pa ako ng bigla na lang akong yakapin nito.
"Ah, Noel? "
"Ay wel miss yo. "
"Oo na, mamimiss din kita. "
"Pakiss nga? "
"Ay pwede ba, layuan mo nga ako? "
Tapos nun ay nagtawanan kami.
Bigla namang bumukas ang pinto at bumungad sa amin yung P.E. teacher, hinahanap nito si Noel.
"Lito? Pwede ba akong manghingi ng tulong sa'yo? "
"Sige po, Sir. Wait lang? "
Bumaling naman sa akin si Noel.
"Isara mo na lang itong kwarto ha, pagkaalis mo. Wag kang magnanakaw ng brief ko?! "
Napailing na lang ako sa sinabi niya.
Nang makaalis ito ay bigla akong may naalala.
Lito? Bakit Lito ang tawag nito kay Noel? Ah, baka palayaw niya?
Wait lang?
Lito? Lito? Teka? San ko ba narinig ang pangalang iyon?
Para kasing may nagsabi na sa akin ng pangalan na iyon? Di ko lang maalala?
BINABASA MO ANG
GHOST KO PO!
Mystery / ThrillerMHON'S HEROES SERIES #1 Third eye guy meets astral girl, at ang school na puno ng misteryo at kababalaghan. Mapapasigaw ba sila at mapapasabing "GHOST KO PO! " -mhonvondeasce09-