EXORCIST PART 2

119 1 0
                                    

SHANE POV

Nang makarinig ako ng mga putok ng baril ay agad kung pinuntahan kung saan iyon nagmumula.



Napunta ako sa playground ng mga bata.

Dun ko na natunghayan ang panununtok ni Mar sa isang lalaki.



Agad akong nagtago at dahan-dahang lumapit sa kinaroroonan nila.

Nang makalapit ay nagkubli ako sa may likod ng slide. Hindi muna ako nagpakita sa kanila, pinag-aralan ko muna ang sitwasyon.



Hanggang sa nakita ko na gumanti ng suntok at nakipag-agawan na ng baril yung lalaki kay Mar.



B A N G !



Tumayo si Mar at tinutukan ng baril yung kawawang lalaki.

"Wag kang mag-alala, tatapusin na natin yang paghihirap mo. At siya nga pala, ikamusta mo na rin ako sa anak mo sa langit ha?! " sabi ni Mar.



Dun na ako kumilos, bago niya makalabit ang gatilyo ay sinipa ko na yung kamay niya pataas.



B A N G !



Pumutok yung baril sa itaas, tapos ay sinipa ko si Mar sa dibdib.

Natumba ito, tumilapon naman ang baril niya sa madilim na parte nung playground.



Agad bumangon si Mar para pulutin sana iyon pero hinawakan ko siya sa may manggas ng damit niya. Ang kaso ay nasipa niya ako sa tiyan, ako naman ang natumba.

Agad naman akong bumangon at hinarap ang lalaki.

"Alam mo matagal na akong inis diyan sa pagmumukha mo eh? Lagi ka kasing epal? Sana pala pinatay na kita noon pa?! " sabi ni Mar.

"Talaga lang ha? Bakit di mo yan subukan ngayon? "

"Yan ang mga gusto ko palaban?! "

Dun na nagsimula ang palitan namin ng suntok.









KINLEY POV

Nang makarating kami sa playground ay nakita namin si Kuya Shane na nakikipagsuntukan kay Kuya Mar.



"Anong gagawin natin?? " sabi ko dun sa dalawa.

"Isa lang ang dapat nating gawin Noel. "

"Oo, tama ka Shin. "



Nagtaka ako dahil biglang naglabas ng 100 pesos yung dalawa.

"Anong gagawin niyo diyan? "



Tinuro ni Shin si Kuya Shane, tinuro naman ni Noel si Kuya Mar.

Tapos sinabi nung dalawa na.....



"Oh Noel, akin si Kuya Shane ha? "

"Oh sige, ako dun sa isa. Ayoko diyan sa Shane na iyan?! Sinabihan niya ako ng panget. "

"Sige, Kuya Shane?! Sapakin mo?! Yan pa?! Sige, suntukin mo pa?! "

"Sige, Kuya?! Upakan mo?! Wag kang magpatalo diyan?! Sige?! "



Ano bang ginagawa ng dalawang ito?! Mga sira-ulo talaga?!




Dahil dun ay napapunta ako sa harap nila.

"Ano ba itong pinaggagagawa niyo?! Mga sira-ulo talaga kayo no? At nakuha niyo pa talagang pagpustahan kung sino ang mananalo sa kanila?! Eh kung tinutulungan niyo kaya si Kuya Shane? Puro kayo kalokohan?! "

GHOST KO PO!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon