CHEALSEY POV
7:00 am...
SCHOOL DIRECTOR'S OFFICE.....
Expected ko na ang magiging reaksyon niya kapag nakita niya ako.
Gulat at pagtataka.
Inilagay nito yung ballpen na hawak niya sa gitna nung logbook at isinara iyon.
Tinanggal nito ang suot na salamin saka ako hinarap.
"Oh? Akala ko, magli-leave ka? Why are you here? " tanong ng aking ama.
"Na-nagbago na ang isip ko. G-gusto kong magtrabaho, ayoko ng walang ginagawa. Mababagot lang kasi ako. Atsaka, mamimiss ko ang mga estudyante ko dito. "
Nakatingin lang ito sa akin at tila sinusuri kung totoo ang sinasabi ko.
"B-bakit Dad? Masama na bang bumalik sa trabaho ko? May kapalit na ba ako dito. Eh di, magreresign na lang ako. "
Ngumisi ito.
"Alam mo namang hindi kita papayagan. Gawin mo ang gusto mo. "
Tipid akong napangiti.
"Thanks, Dad. "
Tatalikuran ko na sana siya ngunit may naalala akong sabihin sa kanya.
"Ahm, By the way, libre ba kayo mamayang gabi? "
Lalong nangunot ang noo nito.
"Yes, Why? "
"Pwede ba tayong mag-dinner? Mamaya? "
Tiningnan ako nito lalo ng may paghihinala. Napasandal ito sa upuan at pinagdikit ang mga daliri sa kamay.
"Anong laro ito, Chealsey? "
"W-what? " maang-maangan ko.
Sana di nito mahalata na medyo nanginginig na ako sa kaba.
"Galit ka sa akin at pinagbibintangan mo ako ng kung anu-ano. And yet, you're here. Inviting me? So, what's your play? "
Kunwaring napatawa ako.
"Nothing? Matagal na rin kasi tayong hindi nakakapag-dinner. Isipin niyo na peace offering ko ito sa inyo. Wala namang problema kung ayaw niyo, di ko kayo pipilitin. "
Napaisip ito tapos ay nagsalita.
"Okay then, let's have a dinner. " sabi nito.
Nakahinga ako ng maluwag.
"Thanks, Susunduin ko kayo ng 6pm. "
"Okay. "
Saka ako lumabas ng office niya.
Langya, sana gumana itong plano ni Kumag. Tsk.
KINLEY POV
11:50 am...
Tingin ako ng tingin sa wall clock na nakasabit sa room namin. Di ako mapakali, di ko rin mapigilan ang panginginig ng tuhod ko. Para akong maiireng ewan?
Di na ako nakapokus sa itinuturo ng teacher namin kaya naman nasita na ako nito.
"Ms. Villanueva? "
"P-po?! " gulat na sabi ko.
"Stand up. "
Dahan-dahan akong napatayo.
BINABASA MO ANG
GHOST KO PO!
Mystery / ThrillerMHON'S HEROES SERIES #1 Third eye guy meets astral girl, at ang school na puno ng misteryo at kababalaghan. Mapapasigaw ba sila at mapapasabing "GHOST KO PO! " -mhonvondeasce09-