/ flashback /
"Ahm, Mam. Pwede pong magtanong? "
"Ano po iyon? "
"Ano po bang oras na? "
"Ay?! Sorry po. Nakalimutan ko pong isuot yung wrist watch ko. Naiwan ko sa bag. Bakit po ba? "
Ngumiti sa akin yung lalaki.
"Eh kasi po.... Tumigil ang mundo ko ng makita kita. "
Huh? Ang corny. Bwisit ito ah. Akala ko seryoso. Gagamitan lang pala ako ng mga bulok na pick-up lines.
Kilig na kilig pa ang sira-ulo. Parang mas siya pa ang kinilig sa mga sinabi niya. Tsk.
Makaalis na nga. Tipid akong ngumiti sa kanya at nagpatuloy na sa paglalakad.
( lakad. lakad. lakad. )
"Wait lang Mam! May nakalimutan kayo?! " sigaw nung lalaki.
"Ha? " tumigil ako sa paglalakad at nilingon siya.
Dali-dali naman siyang lumapit sa akin.
"Anong nakalimutan ko? " tanong ko.
Ngumiti na naman siya with tantalizing eyes.
"Nakalimutan niyo po ang puso ko. " sabay kindat sa akin.
B O G !
Dahil sa inis ko ay sinapak ko siya.
Ang hambog na ito! Ako pa ang pinagtripan.
"Aray ko po Mam?! Ang sakit naman n'on. " reklamo niya.
"Hoy kuya! Kung wala kang magawang matino o masabi ng maganda. Pwede ba, wag mo akong pinagti-tripan at lubayan mo ako. Wala akong panahon sa mga kalokohan mo. Baka gusto mong ireport kita sa office?! " sabi ko habang dinuduro siya.
Inirapan ko siya bago ako lumakad palayo sa abnormal na iyon.
"Kawawa na siguro ang asawa mo sa'yo? Laging bugbog-sarado. " sabi nito.
Tumigil ako at lumingon ulit sa kanya.
"For your information. Wala akong asawa. " nakapameywang kong sabi.
"Eh, boyfriend? "
"Wala. " mataray kong tugon.
"Talaga? " ngumiti siya sa akin.
Di ko alam pero biglang bumilis ang tibok ng puso ko sa mga ngiti niyang iyon.
"Eh di, pwede kitang ligawan? " dugtong niya.
"Hindi! " sabi ko.
/ end of flashback /
SHIN POV
Hala siya?! Ano naman ang problema nito? Bigla na lang naiyak?!
May sayad ba ang babaeng ito? Siya na nga itong grabe manapak tapos siya pa ang may ganang umiyak.
Teka? May mali ba sa sinabi ko? Sorry naman kung meron.
Dapat nga ako ang ngumawa dito at maglupasay sa sahig. Ang sakit kaya niyang manuntok. Piling ko may umuga sa ngipin ko.
Nakita kong pinunasan niya ang kanyang mga luha gamit ang kanang kamay nito.
Ano ba yan? Nakaka-ilang. Ayoko pa naman na may babaeng umiiyak sa harap ko.
Isa lang ang naiisip kong paraan. Aist!.... Bahala na nga.
Lakas-loob akong lumapit rito. Paglapit ko ay humarap ako sa kanya at ini-awang ang aking kaliwang pisngi.
Napansin kong nabigla siya sa ginawa ko.
"Anong ginagawa mo? " naguguluhan niyang tanong sa akin.
"Oh ayan na po. " sabi ko.
"Huh? " taka niya.
"Ayan na. Suntukin mo na ulit ako. Ito na lang kaliwa. Masakit na yung kanang pisngi ko. "
"Eh? "
"Para ito dun sa nasabi kong hindi maganda. Naiyak ka tuloy." Paliwanag ko.
"Wag na. " mahinahon niyang sabi habang nakayuko.
Oh thank goodness! Ayoko na ng isa pang pasa.
Pero weird? Hindi niya ako sinigawan at tinarayan.
"Ay! Oo nga pala Mam. " may dinukot ako sa bulsa ng aking pantalon.
"Sa inyo po ba ito? " inabot ko sa kanya yung cellphone.
"Oo, akin nga ito. Bakit nasa iyo 'to? " duda niya.
"Teka lang Mam, Lilinawin ko po ha. Hindi ko ninakaw yan. Nakita po kasi ni Mam Aerah iyang cellphone niyo sa may table niya. Kaya inutusan niya ako na isauli yan sa inyo. " paliwanag ko.
"Ganun ba. S-salamat. " sabi niya.
"Ah.... Mam. Pwede po bang kalimutan na natin yung nangyari kanina sa may office? "
Napa-isip ito.
"Pwede bang magtanong? " hindi lumilingon na sabi niya.
"A-ano po iyon? "
Bumuntong hininga muna ito bago lumingon sa akin, itinuloy nito ang sasabihin.
"Yung totoo. Ano ang nakita mo sa akin nung pumasok ka sa principal's office kanina? " seryoso niyang tanong sa akin.
Hindi agad ako nakasagot. Gusto kong sabihin na wala akong nakita pero hindi ko masabi ang mga salitang iyon. Dahil ang totoo ay may nakita ako.
"Di ka kaagad nakasagot. So, ang ibig sabihin ay may nakita ka nga. Wag kang magsisinungaling sa akin, sinasabi ko lang sa'yo. " banta niya.
"Ahm....ano Mam....kasi....ah....ano po. " pautal-utal kong sabi.
"Ano nga?! " naka cross-arm na siya at naghihintay sa isasagot ko.
Ay! Bahala na nga. Pero wag sanang magalit.
"Y-yung....p-panty....n-niyo....p-pong....p-pink....b-bulaklakin?! "
B O G !
-mhonvondeasce09-
BINABASA MO ANG
GHOST KO PO!
Mystery / ThrillerMHON'S HEROES SERIES #1 Third eye guy meets astral girl, at ang school na puno ng misteryo at kababalaghan. Mapapasigaw ba sila at mapapasabing "GHOST KO PO! " -mhonvondeasce09-