SHIN POV
Pagkapasok na pagkapasok ko pa lang sa gate ng STPS eh nakarinig agad ako ng kakaibang ungol na nanggagaling sa may guard house.
Dahil dun ay napasilip ako sa loob nun. Madilim ang paligid pero naaaninag ko pa rin na may tao.
"Kuya Guard? Okay ka lang ba? " tanong ko dun sa tao kahit hindi ako sigurado kung siya nga iyon.
Nang tinitigan ko iyong mabuti ay napansin ko na nakatalikod ito sa akin.
"Kuya Guard? "
Lumapit ako ng konti ngunit agad din akong napatigil ng maaninag ko na dahan-dahan itong lumingon sa akin pero hindi ko pa rin kita ang mukha niya.
Tapos nun ay nagsimula itong maglakad patungo sa akin. Itinaas pa nito ang dalawang kamay na para bang gusto niya akong abutin.
Napanganga ako.
Sh*t?! Multo pala ito! Nanay ko po!
Pinilit kong gumalaw dahil na-freeze ako sa kinatatayuan ko.
Pero nang malapit na siya sa akin ay nakagalaw ako at itinulak ko siya sabay tumakbo ako palayo.
Nakarating ako sa may playground.
Sandali akong huminto at nagpahinga. Medyo hiningal ako dahil binilisan ko ang pagtakbo.
Halos nakayuko na ako at nakahawak sa aking mga tuhod dahil sa pagod.
Maya-maya ay nakarinig ako ng mga yabag.
Nang inangat ko ang ulo ko ay nanlaki ang mga mata ko.
Isang bata ang dahan-dahang naglalakad papunta sa akin. Di ko makita ang mukha niya dahil nakayuko ito.
Huminto ito sa tapat ko at sinabing...
"Kuya, makikitabi. "
Ang lamig ng boses nito at tila galing sa ilalim ng lupa.
Pinapatabi niya ako pero siya ang itinulak ko sa tabi. Tapos nun ay nanakbo na naman ako.
Ewan ko kung imagination ko lang na umiyak yung batang multo. Hindi ko na lang pinansin.
Tumakbo ako hanggang makarating sa may hallway.
Medyo binagalan ko na ang pagtakbo dahil may babaeng naglalakad sa unahan ko.
Lumingon ako sa aking pinanggalingan. Tiningnan ko kasi kung sumunod yung batang multo. Buti na lang hindi.
Nakahinga ako ng maluwag at napagpatuloy na sa paglalakad.
Habang naglalakad ay hindi ko naiwasang pagmasdan yung babaeng nauuna sa akin.
Wow?! Ang seksi naman nito? Maganda kaya itong si Ate?
Habang tinitingnan ko yung babae ay biglang may nahulog sa kanya na hindi niya yata napansin.
"Miss, sandali lang?! " tawag-pansin ko sa kanya.
Dali-dali kong nilapitan yung bagay na nalaglag nung babae pero ng dadamputin ko na iyon eh.....
Yuck?! Ano 'to?!
Bigla tuloy akong may naalala. Hindi kaya.....
Nang nilingon ko uli yung babae ay nagulat ako dahil nakatingin na ito sa akin.
Ang una kong napansin sa kanya ay ang duguan niyang bibig.
Agad akong nanakbo. Nang madaanan ko siya ay bigla ko siyang tinulak.
BINABASA MO ANG
GHOST KO PO!
Mystery / ThrillerMHON'S HEROES SERIES #1 Third eye guy meets astral girl, at ang school na puno ng misteryo at kababalaghan. Mapapasigaw ba sila at mapapasabing "GHOST KO PO! " -mhonvondeasce09-