KINLEY POV
"Mga bata, kakain na po. Tawag na kayo ng Mommy niyo sa hapag-kainan. " sabi ni Manang.
Kasalukuyan kaming nanunuod ng t.v. nila Kuya Kai at Kuya Ken ng tawagin kami ng matanda.
"Bata? Manang naman, di na po kami bata. Binata na nga po ako. " biro ni Kuya Ken.
"Ay ganun ba, oh sige uulitin ko. " sakay nung matanda sa biro ni Kuya.
Tumikhim muna ito bago nagsalita ulit.
"Mga binata't dilag, tawag na po kayo ng Mommy niyo. Kakain na daw. "
Napangiti kami sa asta ni Manang.
"Yan? Tama yan manang. "
"Ah ganun ba, halika nga at pakurot sa singit. Masyado kang bata ka ha. "
Lumapit si Manang kay Kuya at pabirong kinurot-kurot ito.
"Aray ko Manang?! Aray?! Aray?! "
Nagtawanan kami dun sa kulitan nung dalawa.
"Oh siya, sige na. Pumunta na dun at ng makakain na. Maghugas ng kamay ha? " nakangiting sabi ng matanda.
"Opo. " sagot naming tatlo.
Nauna na yung dalawa kong Kuya, nahuli naman ako dahil pinatay ko pa yung t.v.
Nang papunta na ako sa kusina ay inakbayan ako ni Manang at sinabayang magtungo sa kusina.
"Pero ikaw, always baby kita. " nakangiting sabi nito sa'kin.
Napangiti naman ako sa kanya.
Nang makarating kami sa dining table ay agad na akong umupo at nagsandok ng kanin.
"Manang, pakikuha na po nung ulam. " utos ni Mommy rito.
"Opo, Mam. "
"Teka? Nasaan nga pala si Mercy? "
"Ah, Mam. Inutusan ko pong bumili ng softdrinks sa labas. "
"Ganun ba. Pagdating niya, sabihin mo sumabay na kamo sa atin. "
"Sige po. " sabi nito habang nilalapag yung ulam sa lamesa.
Nagsimula na kaming maghapunan.
"Teka? Ma? Nasaan nga pala si Daddy? " tanong ni Kuya Kai.
"Ah, traffic daw eh. Baka maya-maya pa yun. Tumawag nga sa akin, mauna na daw tayong kumain at baka gutom na daw kayo. "
"Ah. "
Maya-maya ay biglang may tumunog, ringing tone ng cellphone.
Napatingin kaming lahat kay Kuya Kai.
Agad nitong kinuha yung cellphone niya sa bulsa at tiningnan kung sino yung tumatawag.
"Wait lang, Ma. " paalam nito kay Mommy.
Agad itong tumayo at nagtungo sa sala upang sagutin yung tawag.
"Sino ba yun? " usisa ni Mommy dun sa tumawag kay Kuya.
"Malamang, yung hambog at babaero niyang bestfriend. " sabi ko.
"Si Pyro? "
"Sino pa nga ba? Eh yun lang naman ang ang mayabang na kaibigan ni Kuya. Ewan ko nga ba kung bakit naging bestfriend niya yun. Ang layo naman ng ugali nila sa isa't-isa? "
"Malay mo naman anak, mabait yung tao. "
"Atsaka, rich kid. Biruin mo, nang mamatay ang mga magulang niya eh lahat ng yaman ng pamilya niya ay pinamana sa kanya. Isa na nga siya sa pinakamayamang tao dito sa pilipinas kung tutuusin. " singit ni Kuya Ken.
BINABASA MO ANG
GHOST KO PO!
Mystery / ThrillerMHON'S HEROES SERIES #1 Third eye guy meets astral girl, at ang school na puno ng misteryo at kababalaghan. Mapapasigaw ba sila at mapapasabing "GHOST KO PO! " -mhonvondeasce09-