KINLEY POV
"Astral projection or Astral travel is an interpretation of an 'out of body experience' that assumes the existence of an astral body, seperate from the physical body capable of travelling outside it. "
Yun ang nabasa ko sa internet ng sinearch ko yung 'out of body experience' sa tulong ng aking butihing kumare na si google. He... He... He...
Kasalukuyan akong nasa loob ng classroom at nagba-browse sa internet gamit ang aking cellphone. ( Buti na lang at may libreng wifi ang school. )
Ako lang mag-isa ang nandito ngayon sa room dahil breaktime ng mga estudyante.
Pina-una ko na rin sina Lona, Louie at Princess na mag-lunch. Sinabi ko sa kanila na hindi muna ako sasabay sa kanilang kumaen dahil may aasikasuhin pa akong importanteng bagay.
Nung una ay ayaw pa nilang pumayag at kinukulit ako na sumama na o tinatanong kung ano pa daw ang gagawin ko.
Pero nang sinabi ko na "kapag di niyo ako nilubayan eh ayaw ko na kayong maging bestfriend".
Aba'y nagkandarapa ba naman yung tatlo papuntang canteen.
Sabi ko naman sa kanila eh, wag nilang gagalitin ang cute na babaeng nakasalamin. Hmp.
Nagdahilan lang ako na may gagawin pa pero ang totoo ay gusto ko lang mapag-isa.
Gusto kong makakuha ng sagot sa nangyari sa akin kagabi.
Baka kasi pag nalaman nila na nagse-search ako ng ganitong bagay sa internet ay baka magtanong pa sila ng magtanong sa akin.
Mabuti siguro na ako na lang muna ang nakakaalam sa nangyari sa akin.
Ay? Ano ba yan?! Ang bagal ng net. Nakakainis..... Oh ayan, lumabas na. Nagpatuloy na ako sa pagbabasa.
"Astral projection or travel denotes the astral body leaving the physical body to travel in an astral plane. "
"The idea or astral is rooted in common worldwide religious accounts of the afterlife in which the conciousness or soul's journey or ascent is described in such as an out of body experience wherein the spiritual traveller leaves the physical body in his/her subtle body ( or dream body or astral body ) into 'higher realms' "
"It is frequently reported in association with dreams and forms of meditation. "
Sakto! Lahat ng paliwanag eh tumutugma sa naranasan ko.
Ibig sabihin, nag-astral form ako kagabi ng hindi ko namamalayan. Ang galing!
Hindi panaginip ang lahat, totoong nangyari iyon.
Pero magagawa ko kaya ulit yun? O hindi na? Baka natsambahan ko lang?
Ay ewan, Ano ba itong naiisip ko. Natakot nga ako nung akala ko na hindi na ako makakabalik sa katawan ko.
Kung nagkataon eh magiging kaluluwang ligaw na talaga ako. Yaiks?!
Maya-maya ay nakaramdam na ako ng gutom.
"Ay tama na nga ito. Nakuha ko na naman ang sagot sa mga katanungan ko sa aking sarili. "
Nag-unat ako at pagkatapos ay tinuon ko ang aking sarili sa cellphone para i-exit sana ito sa browser ngunit may napansin ako sa web page ng binabasa ko.
Dali-dali ko itong ini-scroll down para mabasa ng mabuti.
Nanlaki ang mga singkit kong mata.....
"HOW TO ASTRAL PROJECT IN 3 STEPS. "
Napakagat ako sa lower lips ko at napaisip ng malalim.
BINABASA MO ANG
GHOST KO PO!
Misterio / SuspensoMHON'S HEROES SERIES #1 Third eye guy meets astral girl, at ang school na puno ng misteryo at kababalaghan. Mapapasigaw ba sila at mapapasabing "GHOST KO PO! " -mhonvondeasce09-