KINLEY POV
O M G ! BAKEEETT !!
Anong nangyayari?! Bakit ganito?! Patay na ba ako?! Pero bata pa ako para mamatay ng maaga!
Teka?!.... Baka panaginip lang ito? Diyos ko po! Gisingin niyo ako. Ayoko ng bangungot na ito!
/ 1 hour ago /
Pagkatapos ng mga kung anu-anong activity na ginawa sa school ay agad na akong umuwi ng bahay.
Niyayaya pa sana ako nila Princess, Lona at Louie na mag-gala muna pero talagang masama na kanina pa ang aking pakiramdam. Para nga akong lalagnatin eh. Hindi ko alam kung bakit.
Oh siguro pagod lang ito. Ang dami kasi naming ginawa kanina sa school.
Hay,...... buhay-estudyante nga naman.
Pero bilib din ako sa tatlo kong kaibigan. May gana pang gumala kahit alam kong pati sila ay pagod din.
Well, ganun lang talaga siguro ang paraan nila para tanggalin ang stressed nila sa katawan.
Aist!.... Ang sama talaga ng pakiramdam ko. Medyo masakit din ang aking ulo. Kung pwede nga lang ihataw ang ulo ko sa poste eh kaninang-kanina ko pa sana ginawa.
Pagkapasok ko nang bahay ay agad akong sinalubong ng aming kasambahay.
"Hi po Mam Kinley. " bati sa akin ni Manang. Ang pinakamatandang kasambahay namin sa bahay.
"Hi po Manang. Umuwi na po ba sina Mommy at Daddy? " tanong ko sa kanya.
"Ay? Hindi pa eh. " sagot nito.
"Ganun po ba. "
"Mam, namumutla ka? May sakit po ba kayo? " alalang tanong ni Manang.
"Naku, wala po ito Manang. Sige po, magpapahinga na po ako. Tawagin niyo na lang ako sa kwarto ko kapag dumating na sina Mommy at Daddy. Sasabay po ako sa kanila sa hapunan. " sabi ko.
"Sige po. Ah...Mam? Gusto niyo, dalhan ko po kayo ng gamot"
Napangiti ako. Napakabait talaga ni Manang lalo na sa akin.
"Hindi na po. Salamat. Itutulog ko na lang ito. Sige po, aakyat na ako. "
Pagkasabi niyon ay nagtungo na ako sa aking kwarto na nasa second floor ng aming bahay.
Nagpalit ako ng pambahay na damit. Isang plain white t-shirt at maikling short na light pink ang kulay.
Pagkatapos kong magbihis ay sumampa na ako sa aking kama. Tinanggal ko ang suot kong eyeglasses at ipinatong sa may side table.
Saka ako nahiga ng maayos at nagkumot ng hanggang leeg. Tapos nun ay dahan-dahan ko nang ipinikit ang aking mga mata.
SUNOG!! SUNOG!!
Napabalikwas ako sa pagkakahiga dahil nakarinig ako ng sigawan.
Nanlaki ang mga mata ko. Napupuno ng usok ang silid na kinaroroonan ko. May sunog?!
Dahil sa pagkataranta ay dali-dali akong bumangon at nagtungo sa pinto.
Ngunit hindi pa ako nakakalapit sa pinto ay may isang bagay na nagpalingon sa akin doon sa hinigaan kong kama.
Dahil na rin sa usok ay hindi ko ito maaninag ng mabuti kaya kinakailangan ko pang lumapit ng husto.
Nang makalapit ay napatigil ako sa paghakbang.
( O _ O ) !?!
Nagulat at nagtaka ako. Bakit may tao ring nakahiga sa kama ko?! Katabi ko ba ito? Paanong hindi ko siya napansin?
BINABASA MO ANG
GHOST KO PO!
Mystery / ThrillerMHON'S HEROES SERIES #1 Third eye guy meets astral girl, at ang school na puno ng misteryo at kababalaghan. Mapapasigaw ba sila at mapapasabing "GHOST KO PO! " -mhonvondeasce09-